Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Student-driver permit muna bago lisensiya? Narito kung paano

        At ano ang requirements bago mag-apply
        by Leandre Grecia Oct 26, 2021
        PHOTO: Drei Laurel

        Kung ikaw ay mayroong driver’s license o mag-a-apply ng bagong lisensiya, alam niyo na marahil ang application guidelines na itinakda ng Land Transportation Office (LTO).

        Ang requirements sa aplikasyon para sa driver’s license ay malaki ang pagbabago sa ilalim ng mga bagong patakarang ito. Halimbawa: Inoobliga na ngayon ng LTO ang aplikante na magsumite ng driving course completion certificates—ang isa ay para sa Theoretical Driving Course (TDC), at ang isa ay para sa Practical Driving Course (PDC)—para sa bagong aplikasyon at license renewals.

        Kumplikado marahil ito para sa ilang riders at sa iba pang motorista, kaya inilalatag namin dito ang guide para sa iba’t ibang aplikasyon upang magkaroon ng LTO license—gaya halimbawa ng student-driver permit.

         

        Narito ang requirements para sa LTO student-driver permit application:

         

        1) Sinagutang Application for Driver’s License (ADL) form

         Ang ADL ay maaaring hingiin sa tanggapan ng LTO at dapat na sagutan nang kumpleto ng aplikante.

        Continue reading below ↓

         

        2) Birth certificate (may marriage contract para sa kababaihang may asawa)

        Dapat na isumite ng mga aplikante ang parehong orihinal at photocopy ng kanilang birth certificate na sinertipikahang authentic ng National Statistics Office (NSO) o Philippine Statistics Authority (PSA). Mahalagang tandaan ng may asawang babaeng aplikante na kailangan din nilang ipasa ang orihinal at photocopy ng kanilang marriage contract.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        3) Permiso ng mga magulang o guardian at balidong valid government-issued ID (kung minor)

        Ang pinakamababang age requirement para sa mga aplikante ng student-driver permit ay 16 taong gulang, kaya ilang aplikante ang menor de edad pa kapag nag-apply ng lisensiya. Kapag ganito, dapat silang magsumite ng orihinal na kopya ng duly notarized authorization letter mula sa sinuman sa kanilang mga magulang o legal guardian.

        Dapat na nakasaad sa liham na payagang makakuha ng student permit ang batang aplikante. Kasabay nito, pinagsusumite rin ang menor de edad ng orihinal at photocopy ng isang balidong government-issued ID ng magulang o guardian.

        Continue reading below ↓

         

        4) Anumang issued ID na may litrato at pirma

        Menor de edad man o hindi, ang aplikante ay dapat na magsumite ng orihinal at photocopy ng anumang ID (inisyu ng eskuwelahan o) na may litrato at pirma.

         

        5) Medical certificate mula sa klinikang accredited ng LTO

        Para sa requirement na ito, ang accredited clinic mismo ang magsusumite online ng medical certificate sa LTO, pero dapat magprisinta ang aplikante ng hard copy ng mga sertipikasyon habang nag-a-apply.

         

        6) Certificate of completion ng Theoretical Driving Course

        Sa pag-a-apply para sa student-driver permit, kailangang kumpletuhin muna ang 15-hour Theoretical Driving Course (TDC), na ang sertipikasyon ay ipalalabas ng LTO Driver’s Education Centers o ng LTO-accredited driving schools.

         

        7) Tax identification number (TIN) ID (kung may trabaho)

        Kung ang aplikante ay nagtatrabaho na, dapat siyang magprisinta ng TIN ID kasama ng iba pang requirements.

         

        At panghuli, ang mga dayuhang nais magkaroon ng student-driver permit mula sa LTO ay dapat bitbitin ang kanilang aktuwal na passports at photocopies ng litrato ng mahahalagang pahina nito.

        Continue reading below ↓

        Ang entry date sa pasaporte ay dapat na isang buwan bago ang inaaplayang petsa ng aplikasyon. Ang visa ng dayuhan ay dapat na balido nang hindi bababa sa isang taon bago mag-apply ng student-driver permit.

         

        (Agosto 19, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Drei Laurel

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱