Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        9 Na components na dapat suriin sa pagbili ng secondhand motorbike

        ’Wag magpapauna sa love at first sight
        by Aris Ilagan Jul 28, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Motorsiklong segundamano? Hindi lugi rito, basta maging matiyaga at marunong lang sa paghahanap online. Ang mahalaga ay busisiing mabuti ang deed of sale, ang mga registration papers mula sa Land Transportation Office (LTO) ang history ng sasakyan, at siyempre pa, maging maingat at matalino sa pakikipagtransaksiyon sa mga nagbebenta nito.

        Kasunod nito ang exciting at pinaka-challenging sa pagbili ng pre-owned motorbikes. Kapag desidido na ang prospective buyer sa iilang units na kanyang pinagpipilian, handa na siyang makita ang mga ito sa personal. Walang kasing saya ang sa wakas ay makamtan na ang pinapangarap na motorcycle, kahit pa hindi ito brand-new.

        Pero sobrang nakakadismaya kung ang kauuwian ng pangarap na motorsiklo ay patung-patong na sakit ng ulo na minana mula sa dating may-ari nito. Kapag dumating na sa puntong kikilatisin ang future motorbike, makabubuting huwag pairalin ang emosyon upang maging epektibo at makatwiran ang pagdedesisyon.

        Kumuha na ng papel at ballpen dahil gagawa tayo ng imaginary points system para tiyaking tama ang presyuhan ng iyong dream bike. ‘Eto na.

        Continue reading below ↓

        1) Engine

        Suriing mabuti ang paligid ng valve at engine covers sa posibilidad ng pagtagas ng langis. Inirerekomenda ring pabayaang umandar ang makina nang matagal para malaman kung lumala ang tagas. Dapat mong papalitan sa seller ang oil seal bago mo isara ang deal. Suriin din ang mga hose at tube sa fuel line kung may mga bitak o butas.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Clutch system

        Tiyaking maayos na gumagana ang isang ito. Sakaling may maganit ang clutch lever, posibleng kailangan ng lubrication. Posibleng indikasyon din ito na dapat nang palitan ang clutch cable. Para sa fluid-type clutch systems, mahalagang panatilihin ng seller ang malinis at purong fluid para masigurong suwabe ang pagkambiyo. Siguruhin ding walang tagas o bitak ang mga hose.

        3) Chassis

        Ito ang parteng hindi dapat balewalain dahil ito ang sentro ng buong makina. Kaya naman dapat na solido ito hanggang maaari at walang mga bitak at sira. Makisuyo sa iba para itayo nang maayos ang motorsiklo ‘tsaka ito sipatin mula sa malayo at tiyaking pantay ang mga gulong sa harap at likod. Kung hindi pantay, posibleng napilipit ang chassis dahil sa matinding impact—maaaring dahil na-bottom out dahil sa pagkaka-hard landing. Pupuwede itong magresulta sa hindi maayos at hindi ligtas na ride. Silipin na rin kung may mga sira o kalawang sa mga pinagdugtungang parte, lalo na sa steel chassis.

        Continue reading below ↓

        4) Handlebars

        Kung may tama ang handlebars dahil minsan nang sumemplang o naaksidente ang bike, maaari itong magdulot ng problema sa pagmamaniobra. Ang tabinging handlebars ay pupuwedeng maging dahilan upang kumabig pakanan o pakaliwa ang motorsiklo, na magiging sobrang stressful sa rider dahil palagi niya itong nilalabanan. Sipatin din ang steering head assembly at baka may mga lumang bearing na kailangan nang palitan.

        5) Tires and wheels

        Gamit ang center stand, paikot-ikutin ang gulong sa likuran upang malaman kung may mga parte itong nakabukol o kaya ay may bitak. Ang mga marka sa gulong ay dapat na pantay—ang flat spots ay indikasyong mahilig ang rider sa tire burn, power slide, o matindi kung magpreno. Tingnan din kung anong taon ginawa ang gulong at siguraduhing hindi lalampas sa limang taon nang nagagamit ito.

        6) Exhaust system

        Tiyaking ang buong exhaust system ay nakakabit pa rin nang maayos sa makina at chassis kahit pa maraming taon na ng vibration ang pinagdaanan nito. Pakinggan kung may tagas ang exhaust dahil mangangahulugan itong mas maraming gasolina ang magagamit ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        7) Bodywork

        Inspeksiyuning mabuti ang fairings sa mga bitak, sira, o kung may kulang o nawawalang turnilyo o clips. Sipatin kung pantay ang frame. Kung hindi pantay, posibleng nasangkot na sa aksidente ang motorsiklo, at hindi ito maitatago ng palpak na repair job. Wala pa ring tatalo sa malinis at maayos na bodywork na kumpleto sa spotless at orihinal na paint job.

        8) Brake system

        Suriin kung may tama ang rotor, lalo na kung hindi nagawang palitan ng may-ari ang mga lumang brake pads pero ginagamit pa rin ang motorsiklo, kaya nagkaroon ng malalalim na ukit sa gilid ng metal disc. Kung kumakaldag kapag nagpepreno, kailangang palitan kaagad ang rotors. Bukod dito, dapat na bumabalik kaagad sa posisyon ang brake lever, habang suwabeng tumatakbo ang bike nang walang sumasayad o naiipit sa brake calipers.

        9) Suspension

        Ang fork ay kailangang matatag at awtomatikong bumabalik pagkatapos ibaba. Kung may nararamdaman kayong pag-‘dribble,’ senyales na kailangan na itong palitan. Ganito rin para sa rear shocks (o mono-shock). Garantisadong may problema kung walang-tigil ang pagtataas-baba ito.

        Continue reading below ↓

        Maging alerto rin sa anumang senyales ng tagas sa fork seal. Magastos magpaayos ng suspension system kaya makabubuti kung matukoy kaagad ang anumang depekto nito bago tuluyang magkabayaran para sa secondhand motorcycle.

        Good luck sa inyong bike hunting!

        (Mayo 20, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱