Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        5 Bagay na iyong matututuhan sa professional track coaching

        Knee slide ba ang hanap mo? Mag-enroll muna
        by Matthew Galang Aug 14, 2021
        PHOTO: Zero2Podium

        Kahit pa hindi ka die-hard sportbike enthusiast na kumpleto sa iba’t ibang sets ng racing leathers, hindi maitatanggi na sadyang iba ang dating ng kumakarera sa racetrack ala-Valentino Rossi o Marc Marquez.

        Siyempre pa, para maibaba niyo nang ganoon ang inyong tuhod tulad ng nakakabilib na ginagawa ng inyong motorsport idols, kakailanganin ninyo ng maraming training at practice. Iyon palang ligtas na pangangarera sa track ay nangangailangan na ng matinding guidance, at sa puntong ito, ang mga riding schools na tulad ng Zero2Podium ang bahala sa inyo.

        Simula 2019, sinasanay na ng Zero2Podium ang mga estudyante para maging mahusay, mula sa pagiging competent beginner hanggang sa maging magaling na track rider. Sa isang track day na pinangunahan ng Alpinestars, masuwerte akong tumanggap ng expert coaching mula sa mga instructors ng riding school, kung saan mula sa pagiging clueless na bagito ay kating-kati ako bigla na bumili ng sarili kong full race gear.

        Continue reading below ↓

        Anu-ano ang mga natutuhan ko sa maghapong track coaching? Narito ang limang track riding tips mula kay Coach Che Estepa ng Zero2Podium:

        1) Tumingin lang sa iyong pupuntahan.

        Ang isa sa riding fundamentals ay ang tutukan lang ang tinutumbok puntahan, dahil awtomatikong dadalhin ng iyong muscle reflexes ang bike kung saan ka naka-focus. Mistulang imposible ito kung papaliko ka at bahagyang nagpa-panic kung sakto lang ba ang liko mo. Gayunman, natutuhan ko na basta magtiwala ka lang sa itinuro sayo at kakalkulahin mo ang likuan hanggang sa exit, tiyak na magagawa mo ito nang maayos.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Mahalaga ang posisyon ng katawan.

        Sa motorsiklo, kung saan mahalagang papel ang ginagampanan ng iyong timbang para matimpla nang tama ang takbo nito, importanteng matutuhan kung paano iaanggulo ang iyong katawan at kung paano babalansehin nang tama ang iyong bigat.

        Iyon man ay pagyuko sa likod ng windscreen habang diretso ang takbo o paggilid ng iyong puwitan sa isang bahagi ng upuan, makikita sa pagpoposisyon mo ng sarili sa motorsiklo kung ikaw ay isang kabadong bagito o isang kumpiyansang track rider.

        Continue reading below ↓

        3) Ang street riding ay ibang-iba sa track riding.

        Sa street riding, laging mayroong level ng defensiveness. Sa publiko, lagi mong sinisipat ang iyong mirrors, pinapanatili ang ilang daliri sa clutch o brake lever sakaling kailanganin, at gumigitna sa mga likuan para magbigay-daan sa ibang paparating na motorista.


        Sa track, hindi mo magagamit ang alinman sa mga nakaugaliang mong iyan, at minsan pa nga, pabigat pa ang mga ito sa iyong lap time. Sa simula ay medyo pahirapang mawala sa iyong sistema ang iyong street riding habits, pero sa pamamagitan ng maayos na paggabay at pagpapraktis, maaari mong matutuhan ang ilang practice sessions sa track na pupuwede mong i-apply sa actual riding.

        Isa sa mga halimbawa nito ang pagpapatong ng lahat ng iyong daliri sa handlebar grips sa halip na ipuwesto ang mga ito sa levers. Turo ni Coach Che, sa panic situation, ang natural instinct ay matakot. Hindi mo naman siguro gugustuhing pumiga nang pumiga sa front brake kung magpa-panic ka sa kalagitnaan ng pagliko, di ba?

        Continue reading below ↓

        4) Bigyang-atensiyon ang track marshals.

        Isa sa mga bentahe ng racetrack ang pagiging safe venue upang maisagad ng riders ang kanyang limitasyon gayundin ng bike. Ang ligtas na pakiramdam na ito ay dahil sa mga instructions at alistong mga mata ng track marshals.

        Mahalagang malaman kung ano ang ibig sabihin ng magkakaibang kulay ng flags na iwinawagayway ng marshals, dahil ang pagbalewala sa mga ito ay maaaring magpalabas sayo mula sa track.

        Narito ang mabilisang rundown para sa mga hindi nakakaalam:

        • Ang yellow flag ay babala na kailangang maging maingat ng riders, marahil dahil nagkaroon ng aksidente at mayroong debris na natagpuan sa track.
        • Ang red flag ay nangangahulugang may seryosong nangyari kaya ipinatitigil ang session, kaya dapat nang magbalikan sa pit lane ang riders.
        • Ang black flag ay ginagamit para ipabatid na may ginawang mali ang isang rider o kaya ay delikado ang pagra-ride nito, at kailangang bumalik sa pit.
        • Ang checkered flag naman ay senyales na tapos na ang track session, kaya dapat na tapusin na ng lahat ng riders ang kanilang lap.
        Continue reading below ↓

        5) Naroon ka upang mag-enjoy at mag-training, hindi para magpasikat.

        May pinakaimportante akong natutuhan sa aking unang track day: Ang pagra-ride ayon sa iyong kakayahan ang magliligtas sa iyong buhay. Totoong bahagi ng track experience ang pagharurot para masubukan ang iyong limitasyon, pero walang dahilan para lampasan mo ang mga nasa paligid mo.

        Ang hindi mo alam, baka tinitimpla pa ng ibang nasa session ang tamang posisyon ng kanilang katawan o kung aling lane ang dapat tumbukin, kaya magiging sobrang delikadong i-overtake sila mula sa loob na linya na parang isang MotoGP wannabe.

        (Abril 26, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Zero2Podium

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱