Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Alamin ang 5 LTO requirements sa pagkuha ng duplicate copy ng inyong OR/CR

        Nawaglit ba ang OR/CR ng inyong sasakyan?
        by Aris Ilagan Jul 30, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Updated ba ang registration papers ng iyong motorsiklo? Sakaling hindi mo pa nailipat ang pagmamay-ari sa ibinenta mong bike, mainam na gawin mo na ito ngayon dahil matitinding penalties at parusang prision correccional ang naghihintay sa mga hindi makakatupad sa mga probisyon ng Republic Act No. 11235, o ang Motorcycle Crime Prevention Act.


        Nakasaad sa Section 4 ng RA 11235: “Any sale or disposition of a motorcycle must be reported to the LTO (Land Transportation Office) within three days after the transaction was done by presenting the original copy and furnishing a machine copy of the notarized deed of sale or similar document that will prove that the unit has been sold or purchased. Failure to do this means the owner of the motorbike could face a penalty of P20,000 to P50,000.”


        Sigurado kaming bukod sa simpleng paulit-ulit na pagpapaliban, ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa naililipat sa pangangalan ng bagong may-ari ang motorsiklo ay dahil nawaglit ang orihinal na kopya ng certificate of registration (CR).

        Continue reading below ↓


        Kung ito nga ang pinoproblema mo, walang dahilan para mag-panic. Personal naming inusisa ang LTO tungkol sa requirements para makapag-apply ng replacement o duplicate copy ng nawaglit o nasirang CR. Basahing mabuti.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Narito ang requirements sa pag-a-apply ng replacement copy ng certificate of registration ng sasakyan:

        1) Notarized affidavit

        Isang notarized affidavit na nagsasaad na ang orihinal na dokumento ay nawaglit o nasira.

        2) Government-issued IDs

        Dalawang valid primary IDs (government-issued) ng nakarehistrong may-ari ng sasakyan (photocopy na may original signature specimen).

        3) Accomplished MVIR form

        Aktuwal na pag-iinspeksiyon sa motorsiklo at duly accomplished na Motor Vehicle Inspection Report (stencil form).

        4) Certification from company

        Sakaling ang motorsiklo ay pagmamay-ari ng kumpanya, kailangan din ang certification mula sa management.

        5) Authorization letter

        Kung ang may-ari ay magpapadala ng kinatawan para kuhanin ang kinakailangang dokumento mula sa LTO para sa kanya, dapat siyang maghanda ng duly signed authorization letter.

        Kung ang bagong may-ari ay dudulog sa LTO branch na unang nag-issue ng mother file ng CR, karaniwang nagtatagal ang ginagawang beripikasyon at pagpi-print sa bagong dokumento. Pero kung ang mother file ay inisyu ng sangay ng LTO na nasa malayong probinsiya at ang bagong may-ari ay nag-apply ng duplicate copy sa isang LTO branch na nasa Metro Manila, mas matagal ang proseso.

        Continue reading below ↓

        Kailangan kasi ang opisyal na pagberipika sa orihinal na dokumento bago maglabas ang LTO ng bagong CR.

        Mayroong mahigit 15 milyong motorsiklo ang hindi pa nakakapag-update ng kanilang LTO registration sa ngayon, at napakalaki ng backlog na ito. Makabubuting huwag mo nang ipagpabukas pa at asikasuhin mo na ito ngayon upang makaiwas sa hindi birong abala sa hinaharap.

        (Hunyo 23, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱