Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        ’Wag pasaway: 10 Good parking manners na dapat isapuso ng mga rider

        Respeto sa kapwa ay mahalaga
        by Aris Ilagan Jul 27, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Napakamot siguro kayo sa ulo pagpasok sa parking area nang mapaisip kung paano dumami nang ganoon ang bilang ng mga nagmomotorsiklo sa bansa sa nakalipas na mga taon. Kahit ang mismong parking lot operators ay namumroblema na kung paano mapagkakasya ang patuloy na dumadaming two-wheelers na pumapasok sa kanilang pasilidad.

        Ang paghahanap ng parking space sa commercial centers sa Metro Manila ay pinoproblema lang noon ng mga may-ari ng kotse. Pero ngayon, maging ang riders ay ginagambala na rin ng parehong issue.

        Ang mga problema ay nauuwi lang sa stressful na pamumuhay. At kapag hindi nasolusyunan ang stress, may tyansang magdesisyon nang hindi tama ang tao, na magreresulta lang sa mas marami pang problema. Ang payo namin sa mga riders: Teka muna—huminga nang malalim at mag-isip.

        Laging sundin ang rules and regulations na ipinatutupad ng traffic enforcers at parking operators upang mapanatili ang disiplina at kaayusan sa parking area. Para makaiwas sa stress at sa iba pang kumplikasyon sa buhay, subukan ang 10 good manners na ito na dapat ugaliin kapag iiwan sa parking area ang inyong motorsiklo:

        Continue reading below ↓

        1) Sa designated areas lang mag-park.

        Huwag umasa sa tsamba sa pag-iwan ng inyong motorsiklo sa isang sulok o bangketa na hindi designated motorcycle parking. Baka nalilimutan ninyong magaan lang ang motorsiklo ay kayang-kaya itong pagtulungang buhatin ng tatlo hanggang apat na security guards; baka sa huli ay matuliro pa kayo sa kakaisip kung saan dinala ang inyong bike, na kasalanan n’yo rin naman dahil sinuway ninyo ang parking regulations.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Huwag sumingit.

        Likas na marahil sa maraming Pilipino ang sumingit sa pila para unahan ang iba. Ang nakakagulat, kapag nasa ibang bansa, ang mga taong ganito ay buong katapatang sumusunod sa mga patakaran at regulasyon. Laging isapuso ang patakarang, “First come, first served.” Ang pagkakaroon ng mas maliit na sasakyan ay hindi nagbibigay sayo ng karapatang balewalain ang pila.

        3) Panatilihin ang tamang distansiya sa pagitan ng mga motorsiklo.

        Kapag nakita mong imposible nang kumasya ang iyong binti sa pagitan ng mga naka-park na motorsiklo, makabubuti—bukod pa sa mas safe—kung maghahanap na lang ng ibang parking space. Ang siksikang slot ay pupuwedeng mauwi lang sa aksidente kung ipipilit mo ang iyong motorsiklo sa napakakitid na espasyo.

        Continue reading below ↓

        At kapag aksidente pang nabuwal ang iyong motorsiklo, lilikha ito ng domino effect. Tasahin n’yo na lang kung magkano ang aabutin ng inyong babayaran kung masisira ninyo ang iba pang naka-park na motorsiklo.

        4) Huwag i-lock ang manibela kung nakaharang ang inyong motorsiklo.

        Kahit pa saglit n’yo lang itong iiwan. Bigyang pahintulot ang mga security guards para akayin ang inyong bike kung may ibang sasakyang paalis mula sa parking area.

        5) Laging ibalik ang motorsiklo ng iba sa orihinal na puwesto pagkatapos itong ilipat.

        May ilang parking authorities na nagpapahintulot sa double parking. Pero sa ganitong arrangement, obligadong maging responsable ang riders na ibalik sa orihinal na posisyon ang motorsiklong inilipat nito ng puwesto.

        6) Sundin ang painted lines.

        Ang mahabang row ng parallel lines sa ilang motorcycle parking areas ay hindi palamuti lamang. May gamit ang mga linyang iyon: Gabayan ang riders sa pag-park ng kanilang sasakyan sa maayos na paraan.

        Continue reading below ↓

        Layunin din nitong mag-park ang riders sa isang mahabang hilera. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng pantay na espasyo sa pagitan ng mga motorsiklo.

        7) Huwag na huwag iiwan ang inyong basura sa upuan ng katabing motorsiklo.

        Isa itong malinaw na kawalang respeto sa kapwa. Ang kailangan lang gawin ay maglakad-lakad nang ilang metro at siguradong may mamamataan kayong basurahan.

        8) Huwag hahawakan ang helmet ng iba.

        Ilang riders ang mabilis na natutuwa sa helmet ng iba, at madalas na basta na lang nila ito dinadampot at isinusuot sa sariling ulo. Pero mali ito, dahil ang taong may good breeding ay hindi basta humahawak sa mga bagay na hindi niya pagmamay-ari—at lalong mali ang isukat ito. Higit pa ito sa usapin ng kalinisan sa ating katawan.

        9) Honesty is the best policy.

        Sakali na aksidenteng nagasgas ninyo ang pintura ng motorsiklong katabi ninyo, o kung hindi sinasadyang nabuwal mo ito, kaagad na i-report ang insidente sa parking authorities. Tandaang ang commercial establishments ay obligadong magkabit ng CCTVs, at hindi malabong nakuhanan ng surveillance camera ang ginawa mo sa lugar.

        Continue reading below ↓

        10) Maghanda ng eksaktong pambayad sa parking fee.

        Maging mapag-unawa—lalo na dahil inaabot din naman nang matagal ang pag-aalis ng riders ng visor ng kanilang helmet, pagtatanggal ng mga guwantes, bago ilabas mula sa kanilang wallet ang pambayad sa parking fee. Ihanda na ang pera sa lugar na madali ninyong maaabot at maiaabot.

        Kung ang habol ninyo ay mabuting pakisamahan ang iba pang mga motorista, pakantandaang mabuti ang golden rule: Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sayo. At kung may iba pa kayong alam na parking guidelines para sa riders, ikuwento lang ang mga ito sa comments section.

        (Hulyo 6, 2019 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱