Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        4 Na bagay na dapat tandaan tuwing magpapalit ng motorcycle side mirrors

        Huwag padalus-dalos sa pagpili ng ipapalit
        by Aris Ilagan Sep 10, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ang motorsiklo ay magandang pag-eksperimentuhan kung aftermarket modifications ang pag-uusapan. Ito man ay para sa underbonescootercruiser, o adventure bike, mistulang walang hangganan ang mga posibilidad.

        Dahil dito, may ilang punto na kailangang ikonsidera sa pagpapa-pogi pa sa iyong motorsiklo, lalo na kung ilang bahagi nito ang naiisipang baguhin, tulad ng mga ilaw at side mirror.


        Kung ang huli ang trip i-upgrade, narito ang ilan sa mga karaniwang uri ng motorcycle side mirrors na nagkakaiba-iba sa hitsura at aktuwal na silbi sa rider:

        1) Bar end mirrors

        Continue reading below ↓

        Gaya ng tawag dito, ang mirrors na ito ay nakakabit sa magkabilang dulo ng handlebars. Maaari itong iturnilyo o i-clamp sa gilid ng bar, na pupuwede ring ipuwesto sa ibabaw o ilalim nito. Bukod sa maporma nitong hitsura, mas malawak din ang masisipat sa bar end mirrors kumpara sa iba pang standard mirrors.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Bar-mounted mirrors

        Continue reading below ↓

        Ang klaseng ito ay karaniwang makikita sa mga underbone at cruiser. Hindi man nakakadagdag sa angas ng motorsiklo, madali naman itong palitan. Bukod dito, sakaling ang handlebar ng motorsiklo ay nabali, kadalasang hindi naaapektuhan ang mirrors at ang pinagkakabitan nito.

        3) Fairing-mounted mirrors

        Ang side mirrors na ito ang pinaka-stylish sa tatlo. Gayunman, hindi ito pupuwedeng basta ikabit sa lahat ng motorsiklo, dahil makikita lamang ang mga ito sa sportbikes, scooters, at iba pang bike na may front fairings.

        Continue reading below ↓

        Ngayon, pag-usapan naman natin ang mga dapat tandaan sa pagpili ng aftermarket motorcycle mirrors:

        1) Pumili ng uri ng mirror na magagamit nang tama.

        Kung nasa plano ang bigating pagbabago sa side mirror, siguruhing magagamit nang tama ang ipapalit. Mahalagang tandaan na mabilis mapansin ang pagkakaiba-iba ng bawat side mirror, kaya humanda sa medyo may katagalang adjustment pagkatapos palitan ang mirrors.

        2) Tiyaking matibay ang pagkakakabit ng side mirrors sa motorsiklo.

        Isa pang dapat tandaan ay ang tiyaking matibay ang pagkakakabit ng bagong side mirrors sa motorsiklo. Sobrang importante nito, lalo na kung ang gamit ay non-OEM (original equipment manufacturer) products.

        3) Dapat na matatag ang mirror stems.

        Bukod sa matibay na pagkakakabit ng side mirrors, siguraduhin ding matatag ang stem o pinaka-tangkay nito. Maikli man o mahaba, ito ay dapat na matatag laban sa hangin at matitinding vibrations. Siyempre pa, kahit pa gaano katibay ang pagkakakabit ng side mirrors sa motorsiklo, wala rin itong silbi kung ang mismong salamin ay madaling mabasag kapag matulin na ang takbo ng bike.

        Continue reading below ↓

        4) Huwag na huwag ikukompromiso ang kaligtasan sa pormahan.

        Importanteng alalahanin na ang motorcycle side mirrors ay safety equipment, higit sa lahat. Ang kaligtasan ng rider ay isang bagay na hindi dapat nakukompromiso, lalo na kung pormahan lang ang dahilan. Nabanggit ito dahil mayroong mga sobrang nipis na motorcycle mirrors, na duda kami kung nakakapagbigay sa riders ng malinaw at malawakang view sa kanilang paligid.

        Kung planong kumuha ng bagong side mirrors para sa motorsiklo, tandaang ang function ay dapat na laging prayoridad. Ibig sabihin, kung ang pagpapalit ng mirror ay makababawas sa kaligtasan ng rider, mas mainam na kalimutan na lang ito. Hindi lamang ito para sa pansariling kaligtasan ng rider, kundi maging ng iba pang motorista at maging ng pedestrians.

        (Setyembre 10, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱