Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Tips para makaiwas ang riders sa heat stroke tuwing summer

        Huwag balewalain
        by Aris Ilagan May 31, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Mga kagulong, nagdodoble na ba ang paningin niyo? Tagaktak ang tulo ng pawis? Nalilito na sa pagkambiyo? Nawawalan ng balanse? Nahihilo?

        Ang mga ito ay ilan lang sa mga sintomas na kayo’y malapit nang makaranas ng heat stroke. Hindi biro ang nararanasan nating init ng panahon nitong mga nakalipas na araw, kung saan ang heat index ay umabot sa 51 degrees celsius sa ilang lugar. At kung babalewalain habang nagmomotorsiklo, tiyak na aksidente ang kahihinatnan niyo.

        Batid namin na mayroon kayong importanteng lakad at kailangang kumita, subalit hindi sapat na ibuwis niyo ang inyong buhay para tiisin ang matinding init ng panahon. At kung hindi kayo talagang mapipigil sa pagbiyahe, narito ang 10 tips na makakatulong upang maibsan ang epekto ng matinding summer heat. Basahing mabuti:

        1) Uminom ng maraming tubig

        Hindi dapat tiisin ng mga rider ang pagkauhaw dahil tubig ang unang panlaban sa heat stroke. Huwag alalahanin ang madalas na pagpunta sa CR dahil kadalasan ay may mahahanap na paradahan para sa mga motorsiklo sa mga lugar na may palikuran.

        Continue reading below ↓

        2) Magsuot ng kumportableng damit

        Iwasang gumamit ng mga riding jacket kung saan mahirap makahinga ang ating katawan tulad ng leather jacket. Mas makabubuti na gumamit ng mesh jacket na may maliliit na butas sa bahagi ng dibdib at likuran hanggang sa manggas nito. Tiyaking kumpleto ito sa elbow at shoulder pads, at back protector para sa inyong kaligtasan.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Basahin ang aming feature tungkol sa riding jackets na akma para sa panahon ng tag-init.

        3) Magdala ng extra shirt

        Maraming rider na nag-aatubiling magdala ng extrang damit dahil limitado ang kapasidad ng compartment ng kanilang motorsiklo, o kaya’y ayaw nilang magbitbit ng backpack. Subalit ngayong panahon ng tag-init, mahalaga na magdala ng extra shirt upang hindi matuyuan ng pawis at tuluyang magkasakit.

        4) Planuhin ang biyahe

        Mahirap magpabalik-balik para sa isang rider habang tinitiis ang matinding init ng araw. Bago umarangkada, siguraduhing planado ang biyahe upang matumbok ang lahat ng pupuntahan. Malaki rin ang matitipid sa oras at gasolina.

        Continue reading below ↓

        5) Iwasang magbitbit ng mabibigat na gamit

        Bukod sa epekto ng matinding init, malakas ring makapanghina ng kondisyon ng rider kung masyadong mabigat ang kanyang backpack. Dapat i-conserve ang inyong energy upang hindi agad mapagod. Dalhin lang ang mahahalagang bagay.

        6) Protektahan ang mga mata

        Kung walang retractable tinted visor ang inyong helmet, gumamit ng sunglasses para hindi masilaw sa araw. Ang kawalan ng sunglasses tuwing nagmamaneho ng motorsiklo sa kasagsagan ng init ng araw ay isa sa mga karaniwang dahilan ng pagkahilo.

        7) Lasapin ang simoy ng hangin

        Paminsan-minsan, nakakaligtaan din nating i-enjoy ang mga bagay na naririto na sa ating paligid. Andiyan ang magagandang tanawin, plantsadong expressways, at siyempre, ang dream bike na iyong sinasakyan. Huwag ding kalimutang langhapin ang sariwang simoy ng hangin habang tinatahak ang kalsada sa mga bulubunduking lugar o baybayin upang maibsan, kahit kaunti, ang matinding init ng panahon.

        8) Palamigin ang makina

        Kung naiipit sa matinding trapik, mas makabubuti na itabi muna ang motorsiklo sa isang masisilungang lugar at patayin ang makina. Ito ay hindi lamang upang makaiwas sa engine overheat, ngunit para maibaba rin ang temperatura ng makina at tambutso na nakaaapekto rin sa rider.

        Continue reading below ↓

        9) Maghugas ng mukha

        At kung mapapadpad sa palikuran, ugaliing maghugas ng mukha upang guminhawa ang pakiramdam. Malakas itong makapag-re-energize. Basain na rin ang braso at leeg, at matapos gawin ang mga ito, tiyak na handa na namang kayong bumiyahe ng long distance.

        10) Gumamit ng handy fan

        Marami ngayong inaalok sa online shops na mga compact electric fan na nare-recharge gamit ang USB port. Ang ilang sa mga ito ay naisasabit sa leeg o maaaring hawakan tuwing nagpapahinga sa mga restaurant. Nakapagdudulot ito ng kahit kaunting ginhawa sa mga rider.

        NOTE: Ang artikulong ito ay unang lumabas sa Top Gear Philippines bago isinalin sa Filipino para sa Top Bikes Philippines.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱