Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        6 Tips sa pag-a-apply ng motorcycle loan sa unang pagkakataon

        Pinadali na namin para sa’yo
        by Aris Ilagan Oct 20, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Sa kasagsagan ng limitadong public transportation dahil sa ipinatutupad na quarantine restrictions, pinayuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang commuters na ikonsidera ang paggamit ng motorsiklo o bisikleta para makabiyahe pa rin sa araw-araw.

        Walang problema kung sakali para sa mga pamilyar na sa two-wheelers. Pero para sa mga hindi pa nasusubukang sumakay sa mga ito, medyo masaklap ang ideya. Gayunman, dahil kailangang makaagapay ang lahat sa ‘new normal,’ mukhang ganito na rin talaga ang ideyal na transportasyon para sa marami sa atin.

        Mag-focus tayo sa motorsiklo. Kung naiisip nang bumili, isang malaking usapin ang budget. Kung ito ang pinoproblema, lipat kaagad sa Plan B: motorcycle loan.

        Nagdadalawang-isip pa rin? Ayon sa Motorcycle Development Program Participants Association (MDPPA), na kinabibilangan ng pinakamalalaking Japanese manufacturers, 90% ng kabuuang bilang ng mga motorsiklong nabenta sa Pilipinas ay idinaan sa financing.

        Narito ang ilang simpleng tips sa pag-a-apply ng loan para sa kauna-unahang motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        1) Mag-window shopping muna.

        Bago mag-apply ng loan, tiyaking may partikular nang motorcycle brand at model na napipisil. Mainam kung may hanggang tatlong pagpipilian, at tandaan ang presyo ng mga ito. Mahalagang may ideya na kung magkano ang motorsiklong gusto upang hindi kapusin ang budget.

         

        2) Mas madali na ang proseso dahil sa online services.

        Pupuwede nang makipagtransaksiyon ang loan applicants sa agent kahit pa nasa bahay o opisina sila. Ang proseso ng aplikasyon ay nakadetalye sa financing websites, at napakaraming ahente roon ang handang maglingkod. Hindi na kailangan pang bumisita nang personal—maliban na lang kung kukumpletuhin na ang deal at kinakailangang magsumite ng requirements.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        3) May dalawang sources na pagpipilian.

        Sa pag-a-apply para sa motorcycle loan, maaaring piliin ang in-house loan, na karaniwan nang extension ng motorcycle dealership, o maaari rin namang idaan sa bangko. Siguraduhing pinag-aralan muna ang dalawang opsiyon bago magpasya, upang mapili ang mas may mababang interest rate.

        Continue reading below ↓

         

        4) Kumpletuhin ang requirements.

        Kapag sinabi ng ahente na kailangan munang kumpletuhin ang requirements, gawin iyon; kung hindi, walang mangyayari sa aplikasyon. Ang pangunahing requirements ay karaniwang kinabibilangan ng isang accomplished at pirmadong application form, latest payslip, certificate of employment, photocopies ng dalawang government-issued IDs, at proof of billing.

        Bukod dito, ang overseas Filipino workers ay dapat na magpasa ng mga dokumentong nagpapakita ng tatlong buwan nilang remittance. Ang mga self-employed naman ay kailangang magsumite ng registration papers mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

         

        5) Tandaan ang payment terms.

        Huwag masyadong ma-excite. Laging tandaan ang petsa ng pagbabayad, ang halaga ng down payment (karaniwang nasa pagitan ng zero hanggang 50%), ang interest rate ng loan, at anumang penalty sakaling ma-delay sa pagbabayad. Karaniwan nang humihingi ng post-dated checks ang loan providers para sa buwanang pagbabayad. Higit sa lahat, kailangang alam ang mga kondisyon sakaling magkaroon ng payment default at ang mga posibleng remedy kung nangyari nga ito.

        Continue reading below ↓

         

        6) Mas simple na ngayon ang credit investigation.

        Bahagi na lang ang nakalipas ang dating paniniktik ng credit investigator sa loob ng mga subdibisyon upang makumpirma ang tirahan ng aplikante, o kung ilang kotse ang pagmamay-ari nito. Sa ngayon, ilang segundo na lang ang kailangan para maberipika kung ang aplikante ay mayroong good credit standing.

         

        Narito ang ilang extra notes: Karaniwan nang inoobliga ng creditors ang motorcycle buyer na kumuha ng insurance para sa unit. Nasa kanila ring pag-iingat ang spare key at ang orihinal na kopya ng registration papers hanggang sa mabayaran nang kumpleto ang loan.

         

        (Mayo 8, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱