Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        8 Tips sa pagpili ng motorcycle top box

        Huwag mag-apura, mag-research muna
        by Aris Ilagan Jun 25, 2021
        PHOTO: Givi

        Ngayong mayroon ka nang motorbike at ilang kilometro na rin ang nahataw mo sakay ito, na-realize mo ang maraming iba pang paraan kung paano mo ito mapakikinabangan. Mula sa pagiging laging maaasahan sa pansariling biyahe, nadiskubre mong ang motorbike ang araw-araw mong kasama papunta sa opisina, sa paborito mong tambayan, sa iyong weekend destination, at sa eskuwelahan ng iyong anak.

        Para magawa ang lahat ng ito, kakailanganin mo ang dagdag na cargo space. At dito mo na mare-realize ang malaking tulong ng top box sa iyong motorsiklo. Pagkatapos mong matuklasan ang magiging silbi nito, sinimulan mo nang magtingin-tingin sa mga motorcycle accessories shops online, pero nauwi lang ito sa pagkalito nang mahilo ka sa sandamakmak na klase ng top boxes na pagpipilian. Iba-iba ang kanilang hugis, laki, at disenyo, kaya magiging pahirapan talaga ang pagpili ng para sa iyong motorsiklo.

        Bukod sa mga bagay na nabanggit namin, mahalagang tandaan na may umiiral na mga regulasyon ang Land Transportation Office (LTO) sa tamang paggamit at pagkakabit ng motorcycle top box. Ang paglabag sa mga probisyong ito—tulad ng hindi pagpaparehistro ng top box sa LTO o paglampas sa limitasyon ng laki nito—ay may katumbas na multang P5,000.

        Continue reading below ↓

        Higit pa man sa disenyo at gamit, dapat na alam ng motorcycle owner ang sukat ng top box upang makaiwas sa problema. Mainam na ikonsidera ang walong tips na ito sa pagpili ng top box nang hindi magkamali:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Tamang sukat.

        Malinaw na sinabi ng LTO na ang top box ay hindi dapat lalampas sa limitasyon nitong dalawang talampakan ang taas at dalawang talampakan ang lapad. Sobra-sobra na ang laki niyon para sa dalawang full-size helmet at iba pang mga gamit, gaya ng jacket at ekstrang damit.

        2) Matibay na locking system.

        Sigurado kaming ilan sa mga isasakay mo sa motorbike ay mahalaga sa ‘yo. Sa pagpili ng top box, i-double check kung gumagana ang locking system nito. Tiyaking hindi ito madidistrungka sa simpleng pagsungkit ng hairpin.

        3) Naikakabit nang tama.

        Ang top box ay bahagi ng aftermarket accessories na ikinakabit sa motorsiklo. Importanteng maayos at matibay ang pagkakakabit dito sa alinman sa passenger handrail o sa rack sa likuran ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        4) Matibay ang pagkakagawa.

        Ang mga top box ay gawa sa iba’t ibang materyales—hard plastic, aluminum o mayroon ding expandable soft cases. Suriin kung ang ginamit na materyales ay madaling masira o hindi hindi kinakaya ang mainit na sikat ng araw. Walang tatalo sa top box na garantisado ang tibay kahit pa ipaghampasan.

        5) May extra features.

        Kung ang tingin n’yo sa top box ay isa lamang simpleng square-shaped storage na walang anumang ibubuga, nagkakamali kayo. Ang ilan ay may secret pocket at straps para sa mga gamit na ilalagay sa loob nito. Mayroong mga top box na mayroong pin lights para makita kaagad ang hinahanap sa loob nito, sakaling madilim na ang paligid.

        6) Available ang spare parts at may warranty packages.

        Aminin na natin, may mga bahagi ang mga top box na numinipis kalaunan. Bakit pa bibili ng bago kung maaari namang palitan ang mga nasirang bahagi? Mayroong mga mapagkakatiwalaang top box brand na nag-aalok hindi lang ng replacement parts kundi maging ng warranty package para sa kanilang produkto.

        Continue reading below ↓

        7) May pinakamalaking load capacity.

        Hindi pare-pareho ang mga top box. Alamin muna ang maximum load capacity ng natitipuhang produkto bago magpasya kung bibilhin ito o hindi. Baka ang kailangan ninyo ay ‘yung pangmalakasan sa bigat ng kargamento.

        8) Pagkumparahin ang presyuhan.

        Pagkatapos maingat na ikonsidera ang mga bagay na nabanggit, tiyaking masusulit ang iyong ibabayad. Hindi tamang mag-apura sa pag-wi-window-shopping ng top box.

        Magugulat kayo na napakaraming pagpipilian sa mga top box sa merkado kumpara sa inaakala ninyo. Maghinay, mag-isip, ‘tsaka magpasya.

        (Hulyo 19, 2020, nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Givi

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱