Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Practical tips sa pagrerenta ng motorbike

        Sakaling wala ka pang pambili
        by Agnes Uzochika Aja Oct 10, 2021
        PHOTO: Enduro Factory

        Ang pagrerenta ng motorsiklo ay isang hindi pangkaraniwang alternatibo sa bansang ito, pero mayroon nito. Popular ang ganitong opsiyon sa travel at special tours, dahil exciting i-ride ang iba’t ibang klase ng bikes.

        Pero ang trail riding ay hindi lamang isang pagkakataon para magrenta ng motorsiklo, kundi nagbibigay-daan din para sa mga bagong karanasan. Alam na alam ito ng enduro enthusiasts na sina Ariel Ansaldo at Pao Toral. Sila ang nagtatag ng motorcycle accessories, service, at bike rental shop na Enduro Factory—kung saan dumadagsa ang trail, enduro, at motocross riders para sa pambihirang riding experience.

        Iba-iba ang kanilang mga kliyente, na karamihan ay kakaunti o wala talagang karanasan sa trail bikes. Dahil dito, ang pagrerenta ng motorsiklo (trail at enduro) ay sobrang pamilyar na sa kanila. Nakipaghuntahan kami kay Toral tungkol sa local enduro scene at kumolekta na rin ng ilang tips sa pagrerenta ng enduro bikes na para sa amin ay pareho lang din sa pagrerenta ng motorsiklo at scooters.

        Continue reading below ↓

         

        1) Ihanda ang budget.

        Magkakaiba ang rental rates depende sa klase ng motorsiklo. Sa kabuuan, ang small-displacement scooters at motorcycles ay mababa lang ang renta, na nagsisimula sa P600 kada araw. Siyempre pa, mas mahal ang renta sa mas mataas na engine displacement at performance models.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ang rental rates sa Enduro Factory, halimbawa, ay nasa P3,500 para sa 150cc bikes hanggang sa P7,000 para sa 250cc at 450cc enduro bikes. Huwag kalimutang itanong ang paraan ng pagbabayad. Ang ilang rentals ay humihingi ng partial deposit sa booking, habang full payment naman ang agad na sinisingil ng iba.

        Dapat ding alam mo ang anumang guidelines sa pagbabayad ng anumang masisira sa motorsiklo habang nasa pag-iingat mo ito.

         

        2) Dapat ready na mag-adapt.

        Payo ni Toral sa karaniwang riders na dadayo para sa enduro, huwag asahang magagamit ang kanilang nakasanayang riding skills. “Enduro bikes are designed for standing up,” aniya. Dahil dito, mangangailangan ang rider ng ibang body positioning para sa mas kumakagat ang throttle control at pagpepreno.

        Continue reading below ↓

        Alalahaning ang motorsiklo ay nirentahan lamang at hindi sayo. Asahan nang hindi mo gamay ang preno, gayundin ang kambyo, at weird sa pakiramdam maging ang upuan.

        Bigyan ng sapat na panahon ang iyong muscle memory upang magamay ang mga pagbabagong ito. Maglaan ng dalawang minuto upang paganahin ang lahat ng switches at kabisaduhin ang pakiramdam ng response ng motorsiklo. Magandang practice din ito ng awareness para sayo.

         

        3) Magtanong kung kinakailangan.

        Bagamat ang basic controls ay pare-pareho sa mga motorsiklo, posibleng mayroong isa o dalawang unfamiliar features kang maeengkuwentro, depende sa iyong riding exposure.

        Kung sanay ka sa motorsiklo na may manual transmission, pupuwedeng hindi mo alam na aandar lang ang ilang scooters pagkatapos mong itaas ang side stand at hilahin ang brake lever.

        Walang nakakahiya sa pagtatanong. Sa katunayan, isa itong kapaki-pakinabang na habit tuwing sasakay sa bagong motorsiklo. Hayaang igiya ka ng isang kabisado ang paggamit sa lahat ng controls ng nirentahan mong bike. Magtanong kung paano i-navigate ang dash, ano ang gasolinang gamit ng motorsiklo, o ng iba pang bagay na napansin mo.

        Continue reading below ↓

         

        4) Piliin ang tamang motorsiklo.

        Importante ang purpose sa pagpapasya kung anong motorsiklo ang rerentahan. Kung traveling at planong mag-ikot-ikot sa lugar na dinayo, mas okay kung scooter ang rerentahan sa halip na big bike.

        Mas madalas bibiyahe sa highway? Pumili ng naked o sportbike. Trails ang susubukan? Masarap ka-buddy diyan ang isang magaang na trail o enduro bike.

         

        5) Mahalaga ang ergonomics.

        Sumampa sa napili mong bike dahil walang ibang paraan upang malaman kung tama ito para sayo. Siguruhing madaling naaabot ng iyong mga paa ang levers at foot controls at maayos na gumagana ang mga ito.

        Dapat ding ikonsidera ng trail riders ang seat height. Kilala ang dirt bikes sa pagiging mataas, na may 35- at 37-inch seats ang full-sized. Bukod sa control placement, i-test din ang suspension system.

        Ang ilan sa mga ito ay adjustable at maaaring humiling ng mas malambot o mas matigas na settings para sa ride quality at performance na trip mo.

        Continue reading below ↓

         

        6) Wag kalimutan ang safety.

        Ang mga motorsiklong pangrenta ay regularly serviced, pero mahalaga pa ring magsagawa ng bike check. Lubhang importante ang kaligtasan lalo na dahil nirentahan lang ang gamit mong motorsiklo. Habang sinusuri ang kondisyon ng bike, siguraduhing may proteksiyon ka rin.

        Magdala ng sarili mong helmet at gloves, o magrenta nito sa shop. Magsagawa ng sariling mental at physical check, lalo na kung challenge para sayo ang pagra-ride. High priority ang pagiging malusog at fit kapag malayo sa bahay.

        Isa pa, sundin ang ipinaiiral na safety protocols, tulad ng pagsusuot ng mask at pagpapanatili ng sapat na distansiya sa iba.

         

        7)  Magtanung-tanong tungkol sa tours.

        Dahil marami sa mga motorcycle rental business ay nagseserbisyo sa mga turista at trail riders, lubusin mo na ang pagta-travel. Ang ilang rentals ay may informal setup, kung saan magpiprisinta lang sila ng guide kung may nag-usisa.

        Ang iba naman ay nag-aalok ng full service, mula sa pagrerenta ng motorsiklo at training sa trails hanggang sa pagpaplano ng group rides. Depende ito sa shop, kaya importanteng kumpirmahin ito. Ang bentahe nila, bilang mga residente roon, ay kabisado nila ang lugar kaya makapagrerekomenda sila ng mga lugar na posibleng ngayon mo pa lang mapupuntahan.

        Continue reading below ↓

         

        (Hunyo 23, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Enduro Factory

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱