Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Bibili ng big bike pero kapos sa height? Subukan ang 7 tips na ito

        ’Di na kailangan ng booster seat
        by Matthew Galang Jul 29, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Alam n’yo bang ang mga Pilipino ang ikalawa sa pinakamaliliit na tao sa Southeast Asia? Sa isang pag-aaral na ginawa ng Association of Southeast Asian Nations DNA, pumangalawa ang mga Pilipino sa mga Indonesians sa larangang ito. Ang karaniwang sukat ng Filipino male ay 162cm (o nasa 5’3”), at 150cm (o 4’9”) naman sa kababaihan.

        Kung ikokonsidera ang katotohanang hindi nabiyayaan ng tangkad ang ating lahing kayumanggi, maiintindihan kung bakit itinuturing na aspirational vehicles sa Pilipinas ang mga big bikes. Sakali man na hindi issue sa Pinoy ang presyo nito, siguradong poproblemahin ang karaniwan nang mataas na upuan ng ganitong motorsiklo.

        Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang maraming local riders sa pagsakay sa mga metal behemoths na ito. Sa katunayan, malaking bahagi ng mga big bike riders ay hindi maituturing na matangkad.

        Kung kagaya ka nila na hindi nalilimitahan ng tangkad ang klase ng motorsiklo na gustong gamitin, isang malutong na saludo sa ‘yo. Pero kung bagito ka pa lang o kaya naman ay nag-aalinlangan sa pagbili ng mataas na motorsiklo, narito ang mga tips na makakatulong sa ‘yo:

        Continue reading below ↓

        1) Ang bike na lang ang mag-a-adjust.

        Kung may budget ka naman, alamin kung may low seat option na maiaalok ang manufacturer o dealer. Maraming big bikes ang may ganitong offer, na pupuwedeng mas manipis na upuan o kaya naman ay may lowered suspension. Kung hindi available ang ganitong alternatibo, makakabili ng mga lowering kit sa mga aftermarket shops.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Palakasin ang mga binti.

        Walang dudang mas mabigat ang big bike kaysa karaniwang scooter o underbone. Mangangailangan ng mapuwersang binti upang suportahan ang bigat nito sa kalagitnaan ng trapiko, imaniobra ito papasok at palabas ng parking spaces, at iangat ito kapag nabuwal.

        Bagamat hindi naman bubuhatin ang buong 400-500lbs ng motorsiklo, makakatulong ang pagpapalakas ng binti sa pamamagitan ng squats at iba pang mga ehersisyo upang suportahan ang bigat nito tuwing nakatigil. Sa katunayan, sakaling mawalan ng balanse habang nag-a-adjust sa big bike, malaking tulong ang malakas na binti sa pagsasalba sa motorsiklo at pag-iwas sa semplang.

        Continue reading below ↓

        3) Sanayin ang butt cheek trick.

        Upang mas madaling makatapak sa lupa, makakatulong ang magkabilang butt cheek sa pagbibigay-suporta sa bigat ng motorsiklo. Para mabilis na maitukod ang paa, sanayin ang pag-upo gamit lang ang isang butt cheek sa pinakagilid ng bike.

        Kapag hihinto, ilipat ang kanang butt cheek patungo sa kaliwang bahagi ng upuan, panatilihin ang kanang paa sa right peg, at itukod sa lupa ang kaliwang paa. Sa pamamagitan nito, mapapahaba ang itutukod na binti at maitatapak sa lupa ang malaking bahagi ng kaliwang paa para sa mas matatag na suporta sa bigat ng big bike.

        4) Gamitin ang kumbinasyon ng clutch at rear brake.

        Sa mabagal na takbo, gumamit ng kumbinasyon ng clutch at rear brake upang makontrol ang takbo, lalo kung big bike ang gamit mo. Delikado ang paggamit ng front brake habang mabagal ang andar dahil maaari itong magresulta upang sumargo ang unahang bahagi ng motorsiklo, na mauuwi sa pagkawala ng balanse ng rider at posibilidad na tumaob ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        5) Kaliwang paa lang ang pangtukod.

        Tinuturuan ng ilang riding schools at courses ang mga bagitong riders na tanging ang kaliwang paa ang gamiting pangtukod, at maganda ang dahilan dito. Hindi lamang para magamit ng rider ang buong puwersa ng kaliwang binti nito, kundi para mapanatili ang kanang paa sa rear brake pedal, at matiyak na hindi basta lalarga ang motorsiklo.

        Sa pamamagitan din nito, mas madaling makita ng iba pang mga motorista ang rider dahil sa brake light.

        6) Pumili ng lugar na hihintuan, pagpaparadahan.

        Mas mahirap imaniobra palabas ng makitid na parking spot ang mas malaking motorsiklo, kaya pinakamainam na humanap ng lugar na maluwag para madaling makapagmaniobra o kaya naman ay diretso nang sumakay sa bike palabas ng parking area.

        Kapag hihinto, umiwas sa madudulas na lugar at hindi pantay na kalsada kung saan mahihirapang itukod sa lupa ang paa. Huwag ding dumaan sa mga manhole covers, sa mga lubak, sa mas mataas na bahagi ng likuan, at sa butas-butas na kalsada kung saan posibleng lumusot ang paa ng rider.

        Continue reading below ↓

        7) Tiwala lang sa sarili.

        Tulad sa anumang larangan, ang pagdadala ng big bike ay may direktang kaugnayan sa mindset ng rider. Totoong sa simula ay nakakatakot mag-ride ng mas malaking motorsiklo, pero huwag hayaang manaig ang pagdududa sa sarili at pagpa-panic.

        Gaano man ka-corny pakinggan, ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ay isang epektibong paraan upang mapagtagumpayan ang anumang hamon sa pagsakay sa big bike, at makakatulong ito nang malaki upang maging mas mahusay ang isang rider.

        (Nobyembre 17, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱