Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2 Traffic enforcer na naging viral sa social media dahil sa pangongotong, sinibak

        Abalos: Salamat sa social media
        by Aris Ilagan May 17, 2021
        PHOTO: MMDA Facebook

        Hindi pinaglagpas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ang pangongotong ng dalawang MMDA traffic enforcer na nakunan ng video at naging viral sa social media kamakailan.

        Sa isang kalatas, inihayag ni Abalos na binawi na niya ang employment contract ng dalawang traffic officer na nakilalang sina Mark James Ayatin at Jayson Salibio, kapwa nakatalaga sa C5 Special Traffic Zone. Napag-alaman na ang dalawa ay hindi mga regular na empleyado kundi job order personnel ng ahensiya.

        Lumitaw sa resulta ng imbestigasyon ng MMDA na guilty sina Ayatin at Salibio sa kasong ‘grave misconduct as public employees’ base sa reklamo ng motoristang si Christ Edward Lumagui, sa naganap na pangongotong sa panulukan ng Levi Mariano Avenue at C5 sa Taguig City noong May 12, 2021.

        Base sa report, nagmaniobra si Lumagui sa isang U-turn slot nang makita at pinigil siya ng dalawang traffic enforcer dahil sa umano’y paglabag sa batas trapiko.

        Continue reading below ↓

        Subalit imbes na bigyan ng traffic violation ticket, nagsabi umano ang dalawang traffic enforcer kay Lumagui na handa silang magbigay ng ‘tulong’ dahil ang bitbit nya ay international driver’s license. Imbes na kagatin ang alok ng dalawa, sinabihan umano ni Lumagui ang na isyuhan na lang siya ng violation ticket.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Continue reading below ↓

        Sa puntong ito, napansin na nila Salibio at Ayatin na kinukunan sila ng video ng pinsan ni Lumagui na nakasakay din sa kotse at sinabihan pa siyang ipakita ang video sa cellphone sabay hingi umano ng P300 sa motorista.

        Matapos iabot ni Lumagui ang P300, pinayagan na siya ng dalawa na makaalis sa lugar na walang ibinigay na traffic violation ticket. Ang aktuwal na abutan ng extortion money ay hindi nakunan ng video, ayon sa imbestigasyon ng MMDA.

        “It was evident that the two respondents conspired and acted in concert to extort money from Lumagui, which they successfully did,” ayon sa MMDA Legal Department na kumilatis sa video.

        “Considering that respondents TE Ill Ayatin and TE Ill Salibio’s employment status are mere Job Order employees which contract of service are not covered by Civil Service Law but by COA Rules under Section 2, Rule XI of the Omnibus Rules on Appointments and Other Personnel Actions, thus, they cannot be charged under the 2017 Rules on Administrative Cases,” dagdag nila.

        Continue reading below ↓

        Samantala, kinilala ni Abalos ang social media bilang epektibong sandata laban sa ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga tauhan ng gobyerno. “These two traffic enforcers are now terminated. The MMDA does not and will never condone any wrongdoing of our personnel,” ani Abalos.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: MMDA Facebook

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱