Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2021 Bristol Bobber 650: Modernong old-school sa presyong afford mo

        Bagay ito sa mga fashionistang riders
        by Matthew Galang Jul 7, 2021
        PHOTO: Bristol

        Kilala ang Bristol Motorcycles sa paggawa ng magagandang big bikes na abot-kaya ng bulsa. Dati na naming ni-review ang Bristol Veloce 500, at na-enjoy namin talaga ang neo retro-style scrambler na iyon. Retro rin ang dating ng pinakabagong unit ng Bristol at taglay nito ang pinakamalaking makina sa hanay ng mga produkto ng Philippine-based motorcycle brand.

        Kilalanin ang 2021 Bristol Bobber 650, ang pinakamagandang motorsiklong gawa ng Bristol. Base na rin sa pangalan nito, isa itong bobber-style motorcycle: mababa ang upuan, astig ang frame, at naroon pa rin siyempre ang klasikong porma na nagpapaalala sa custom-built bobbers na inspirasyon ng istilong ito.

        Nasa loob ng steel chassis ng mababang motorsiklong ito ang 649cc DOHC, parallel-twin engine na kayang pumuwersa ng 69hp sa 8,500rpm at 62Nm ng torque sa bilis na 7,000rpm. Samahan pa ng six-speed manual transmission at chain drive upang makahataw nang husto ang retro-bike na ito.

        2021 Bristol Bobber 650

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ayon sa Bristol, kaya ng Bobber ang 16km/L average fuel consumption, na posibleng dahil sa Bosch electronic fuel-injection system nito. Ang gas tank nito ay may kapasidad na 14.5 liters, aabot ng hanggang 232 kilometro ang ratsada nito kaya tamang-tama sa long rides.

        Ang ilan pang pruweba na pangmalayuang ride ang Bobber ay ang mababang 29.1-inch seat nito, comfy-looking ergonomics, mid-mounted foot controls, at USB power socket kung saan maaaring mag-charge ng mga gadgets.

        Tubeless spoked wheels ang makikita sa magkabilang dulo ng Bobber, na bagay na bagay sa malalapad na retro-styled na gulong nito. Pumepreno ang Bobber sa tulong ng mga  hydraulic disc brakes, na may 345mm rotor sa harapan at 280mm rotor sa likuran. Ang magkabilang dulo ay mayroon ding ABS para sa dagdag-kaligtasan ng rider.

        2021 Bristol Bobber 650

        Continue reading below ↓

        Sagot naman ng telescopic KYB fork na may classic fork boots at twin rear shock absorbers na angkop sa pagiging retro-styled nito.

        May plus one sa ride? Alok ng Bristol ang pillion seat bilang option, para pupuwedeng magdagdag ng pasahero nang hindi nakukompromiso ang kaguwapuhan ng bike.

        Type mo? Ang 2021 Bristol Bobber 650 ay nagkakahalaga ng P398,000.

        (Hunyo 21, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Bristol

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱