Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Pagkatapos sa Japan, biyaheng Pinas na kaya ang Honda GB350?

        Makikipag-sabayan sa retro-style motorcycle market
        by Matthew Galang Jul 12, 2021
        PHOTO: Honda
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Karaniwang sa Japan unang inire-release ang mga motorsiklo ng Honda bago ito bigyan ng bersiyon para maibenta sa ibang bansa. Pero hindi ganito ang nangyari sa Honda GB350 Universal Japanese Motorcycle (UJM) platform.

        Ang UJM na ito ay hindi man lang binuo sa Japan—ginawa ito ilang libong kilometro ang layo sa India, kung saan unang ipinakilala at ibinenta ang motorsiklo bilang Honda H’Ness CB350 at CB350 RS.

        Ang 2021 Honda GB350 at ang GB350 S, tawag sa bentahan nito sa Japan, ay parehong pinagagana ng 348cc air-cooled, four-stroke single-cylinder engine na may puwersang 20hp sa 5,500rpm at 30Nm ng torque  at 3,000rpm. Kakabit ng makina ang five-speed manual transmission na may assist at slipper clutch.

        2021 Honda GB350

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ibinabandera ng Honda ang fuel-efficiency figure na hanggang 49.5km/L sa GB350 at 47km/L para sa GB350 S. Hindi rito nagtatapos ang pagkakaiba ng dalawang variants, dahil ang mas advance na S variant ay may blacked-out front at rear fenders, mas malapad na 150/70-17 gulong sa likod kumpara sa 130/70-18 ng GB350, premium decals at badging, bagong disenyo ng muffler, at may cafe racer-style seat na may accent stitching.

        Asahan nang taglay ng parehong GB350 variants ang karaniwang features ng makabagong Honda bikes, gaya ng LED lighting, compact analog/digital dash na kumpleto sa gear-position indicator, Nissin brakes na may ABS, at Honda Selectable Torque Control na pinagandang tawag sa traction control.

        Ang karaniwang GB350 ay nagkakahalaga ng 550,000 Japanese yen (nasa bandang P241,000) habang ang GB350 S ay prinesyuhan ng 594,000 Japanese yen (mga P261,000). Sa hindi birong presyo ng mga ito, walang dudang hinahamon ng Honda ang mga Indian competitors nito sa 350cc range.

        Continue reading below ↓

        Kailan naman kaya makakarating sa Pilipinas ang guwapong bike na ito? Hindi pa natin alam sa ngayon, pero pagkatapos i-release sa Japan, hindi na marahil imposible ang Philippine launch.

        (Abril 5, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Honda

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱