Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ang 2021 Yamaha NMax 125, may bagong chassis na

        Gamit nito ang signature Blue Core engine technology ng Yamaha
        by John Paulo Aguilera Jun 28, 2021
        PHOTO: Yamaha
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Espesyal ang Yamaha NMax 125 para sa mga Pinoy riders bilang maaasahang scooter. Buti na lang at hindi mapapahiya ang updated version nito.

        Ang pinakabagong bersiyon ng entry-level model ng Japanese manufacturer ay mayroong 125cc SOHC liquid-cooled engine, na Euro 5-compliant at makakapuwersa ng 12.2hp sa 8,000rpm at may 11.2Nm ng torque sa 6,000rpm.

        Powder Grey 2021 Yamaha NMax 125

        Continue reading below ↓

        Gumagamit ito ng signature Blue Core technology ng Yamaha. Ayon sa opisyal na website, “Blue Core engines are our answer to what an eco-friendly Yamaha engine should be, and they are products of Yamaha ‘Sports DNA’ and over 60 years of our unwavering Yamaha Monozukuri spirit of craftsmanship.”

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Phantom Blue 2021 Yamaha NMax 125

        Continue reading below ↓

        Nananatiling maporma ang 2021 NMax, na mayroong twin-eye-style LED headlight, makintab na LED taillights at aerodynamic protective fairing. Ang bagong chassis ay mas maginhawa sa maniobra at tumutok sa ergonomics. Sa ilalim ng contoured dual seat naroroon ang malaking storage compartment.

        Samantala, sa unang pagkakataon ay gagamitin ng scooters ang Simple Communication Control Unit ng kumpanya, kung saan nagbibigay ng impormasyong teknikal sa pamamagitan ng MyRide app. Kumpleto rin ang unit sa traction control, start-stop system para mas tipid sa gasolina, at smart keyless system. Ang preno naman ay sasagutin ng ng 230mm disc brake sa harap at 202mm rear disc brake, na may ABS.

        Ang 2021 Yamaha NMax 125 ay available sa Anodized Red, Phantom Blue, at Powder Grey.

        (Nobyembre 25, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Yamaha

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱