Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2021 Yamaha Sniper 155, may assist at slipper clutch na

        Available na ang underbone sa Vietnam
        by Aris Ilagan Jun 25, 2021
        PHOTO: Yamaha

        Umaalagwa ang excitement sa Asia sa paglulunsad ng Yamaha ng bago nitong Exciter 155 VVA, popular sa Pilipinas bilang Sniper 155, para sa Vietnam market. Ang sporty underbone na ito ay humaharurot sa 155cc, single-cylinder, SOHC engine gamit ang Variable Valve Actuation technology.

        Ang  bagong makina nito ay may maximum power na umaabot sa 17.7hp at 9,500rpm at 14.4Nm ng torque sa 8,000rpm. Ito ay ikinabit sa six-speed manual transmission at mayroon na ngayong assist and slipper clutch. Pareho ang makina ng Sniper sa iba pang 155cc bikes ng Yamaha: XSR155, MT-15,  R15, WR155, at maging ang lahat ng Mio.

        2021 Yamaha Sniper 155

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pinatindi rin ang suspension ng Yamaha Sniper 155 sa harapan para sa mas mahabang stroke—mula sa 90mm ay ginawang 100mm—habang ang shock absorber sa likod ay may single axis para manatiling steady ang Sniper sa pagliko nang matulin. Makikita rin sa bike ang kill switch sa kanang handlebar, habang passing light button naman ang nasa kaliwa.

        Ang bago nitong LCD  panel ay nagpapakita ng tachometer at ng ginagamit na kambyo. Kabilang din sa add-ons ang keyless ignition system at built-in phone charger.

        Nasa ilalim ng sporty two-step seat ang 5.4-liter fuel tank na mas malaki sa 4.2-liter ng lumang model. Kung style naman ang pag-uusapan, halos kahawig ang fascia at taillight designs ng Sniper sa Yamaha R1 at R6 sportbikes, pero mas maangas ang malapad na body panels ng una.

        Excited na ba kayong makita itong humaharabas sa mga kalsada ng ‘Pinas gamit ang bagong Sniper 155?

        (Enero 2, 2021, nang unang nailathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        Continue reading below ↓

        See Also

         

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Yamaha

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱