Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        2021 Yamaha Tenere 700: Magaang dalhin, sa features bigatin

        Mahilig ka rin ba sa off-roading?
        by Aris Ilagan Jul 13, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Isang Yamaha dealership sa Mindanao ang unang nagtanggapan ng reservations para sa pinakaaabangang 2021 Tenere 700. Positibo ang mga natanggap na reviews ng midsize adventure bike na ito, na kilala sa pagiging makitid, matibay, magaan, at sakto ang presyuhan.

        Ang Tenere 700 ay may puwersa ng 689cc, parallell-twin CP2 engine na katulad ng sa award-winning MT-07 naked streetfighter. Kinambalan pa ito ng six-speed manual transmission na kumakambiyo gamit ang heavy-duty at cable-actuated clutch system.

        2021 Yamaha Tenere 700 Engine

        Continue reading below ↓

        Ang suspension setup ng motorsiklong ito ay suportado ng isang pares ng Kayaba fully adjustable USD forks sa harap at likod na may 8.3-inch at 7.9-inch suspension travel, ayon sa pagkakasunod.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Idinisenyo para kayanin ang mga baku-bakong kalsada, ang Tenere 700 ay mayroong 21- at 18-inch spoked wheels na nakakabitan ng mga gulong na Pirelli Scorpion Rally STR. Hanep, di ba?

        2021 Yamaha Tenere 700 Exhaust

        Continue reading below ↓

        Ang lakas ng preno ng Tenere 700 ay hinuhugot sa pares ng wave-style 282mm front discs, habang 245mm rotor naman ang bahala sa rear brake na kapwa may switchable ABS. Ang adventure bike na ito ay may 9.5 inches na ground clearance at 34.4-inch seat height.

        May bigat na 205kg, isa ito sa pinakamagagaang sa adventure bike category.Ang Yamaha Tenere 700 ay mabibili sa halagang P619,000. Bibili na ba kayo?

        (Enero 6, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        2021 Yamaha Tenere 700 midsize adventure bike

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱