Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        5 Bagong private motor vehicle inspection centers, aarangkada na

        Mayroon na ring pasilidad sa Mindanao
        by Aris Ilagan Apr 6, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Pinagkalooban na ng Department of Transportation (DOTr) ng authority to operate ang limang bagong private motor vehicle inspection centers (PMVICs) na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

        Ayon kay Iñigo Larrazabal, pangulo ng Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (VICOAP), tatlong bagong PMVIC ang bukas na sa mga motorista upang magsagawa ng roadworthiness test sa kanilang sasakyan, habang ang dalawa ay inaasahang magsisimula ng operasyon sa mga susunod na araw.

        Narito ang PMVICs na nabigyan na ng authority to operate:

        1. MVIC Bacolod (pag-aari ng Cimatech sa Bredco Port, Bacolod City)
        2. CHECK Motor Vehicle Inspection Center (Lubao, Pampanga)
        3. Tagbilaran Vehicle Inspection Center (Tagbilaran City, Bohol)
        4. Blue Motor Vehicle Inspection Center (Iligan City)
        5. Sta. Clara (Meycauayan, Bulacan)

        Unang inaprubahan ng DOTr at ng Land Transportation Office (LTO) ang aplikasyon para sa provisional authorization to operate ng mga may-ari ng mga naturang pasilidad noong ika-13 ng Marso. Binigyan din ng dalawang ahensiya ang mga ito ng 30 araw upang makumpleto ang requirements upang sila ay magsimula ng kanilang operasyon.

        Continue reading below ↓

        We welcome the issuance of the certificates to five of our members. The more PMVIC facilities, especially in the regions, the more convenient, comfortable, and accessible for vehicle owners to make sure that their vehicles are in top condition prior to registration,” giit ni Larrazabal.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Alinsunod sa unang apela ng DOTr, ipinatutupad ngayon ng PMVICs ang reduced rates para sa roadworthiness test: P600 para sa private vehicles, P500 para sa mga motorsiklo, at P300 para sa public utililty jeepneys. Hindi rin maniningil ang VICOAP ng retesting fee sa mga sasakyang bumagsak sa inspeksiyon sa loob ng isang taon.

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱