Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Automatic License Plate Recognition, kasado na sa NLEX

        Bilang paghahanda sa three-strike policy
        by Aris Ilagan May 12, 2021
        PHOTO: Metro Pacific Tollways

        Sinimulan nang ipatupad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang ilang bagong teknolohiya kasabay ng mga system upgrade sa North Luzon Expressway (NLEX) para mapabilis, maging mas ligtas, at kumportable ang biyahe ng mga motorista.

        Isa sa mga ito ay ang Automatic License Plate Recognition (ALPR) sa 25 toll lanes sa Valenzuela City. Ang ALPR ay may kakayahang bumasa ng mga vehicle license plate upang maberipika ang record ng sasakyan at maging ang mga transaksiyon nito sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

        Ayon sa MPTC, malaki ang maitutulong ng ALPR sa pag-match ng entry at exit transactions ng bawat sasakyang gumagamit ng NLEX. Agad din nitong matutukoy ang mga sasakyan na dumaraan sa RFID lane bagamat walang RFID sticker ang mga ito.

        Kamakailan, inanunsiyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na handa na nitong ipatupad ang three-strike policy sa ika-15 ng Mayo laban sa mga pasaway na motorista na dumaraan sa RFID lane bagamat wala o walang sapat na load ang kanilang electronic tag.

        Continue reading below ↓

        Ang unang batch ng ALPR readers ay ikakabit sa mga toll plaza ng Mindanao, Karuhatan, Paso de Blas, at Lawang Bato.

        “Aside from infrastructure building, we are also persistently working on digitizing and automating our business processes. We are continually adjusting our systems so we can provide a more efficient service to our motorists and afford them ease of travel,” pahayag ni NLEX Corporation president and general manager J. Luigi Bautista.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Samantala, inumpisahan na ring ipatupad ng MPTC ang unang top-up system para sa mga motorista gamit ang smartphone. Ito ay bunsod ng pakikipagtulungan ng Smart Communications upang agad na makapag-load sa Easytrip RFID sa pamamagitan ng text message sa Smart at TNT.

        Upang makapag-load, i-key inang EASY[Denomination)[12-Digit RFID account number) at ipadala sa 3279. Maaring mag-load ang mga subscriber ng P100, P300, P500, o P1,000. Ang load ay ibabawas sa balance ng prepaid user o kaya’y sisingilin ito sa monthly bill ng postpaid subscriber.

        Continue reading below ↓

        Sa bawat transaksiyon, makatatanggap ang mga subscriber ng text message bilang patunay na naipadala na ang load sa kanyang Easytrip RFID account.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Metro Pacific Tollways

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱