Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Senator Pacquiao target i-regulate ang bentahan ng aftermarket motorcycle parts

        Para mas ligtas ang riders at mga motorista
        by John Paulo Aguilera Jul 14, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Inihain kamakailan ni Senator Manny Pacquiao ang Senate Bill 2263, o ang Motorcycle Rights and Safety Act of 2021.

        Puntirya ng panukalang ito “[to] recognize, protect, and promote the rights of motorcycle owners and users to proper standards of ownership and use, to their safe operation, and to reasonable and responsive regulation of the trades supporting the said ownership and use,” ayon sa kopya ng bill mula sa website ng Senado.

        Ang ilang bahagi ng Motorcycle Rights and Safety Act ay nag-aamyenda sa Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code of 1964. Ang isa sa mga bagong probisyon sa panukala ni Pacquiao ay ang pinaigting na monitoring sa bentahan ng aftermarket parts at accessories.

        Ang mga aftermarket products, na maaaring ibenta ng mga lehitimo o negosyanteng nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) ay hindi dapat na: may negatibong epekto sa ligtas na paggamit at operasyon ng sasakyan; nakaharang sa paningin ng driver o rider; lalagpas sa loading at carrying capacities ng sasakyan;
        nakakapigil sa maayos na takbo ng sasakyan; tiyak na magdudulot ng panganib sa publiko, sa mga sasakyan at/o ibang mga motorista; nakakaperhuwisyo sa publiko; at
        naglalabas ng hindi katanggap-tanggap na amoy, usok, o ingay.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kukonsulta ang Land Transportation Office (LTO) sa DTI, sa mga manufacturers, suppliers, technical experts, at sa iba pang kinauukulan para sa aftermarket parts at accessories, gayundin sa pagkakabit, paglalagay, at sa limitasyon nito sa mga motorsiklo.

        Ang mga aftermarket motorcycle parts ay magiging available pagkatapos ng research, sertipikasyon, at pagsusuri ng LTO para sa kaligtasan ng rider at iba pang motorista.

        Papayagan ang mga pagbabago tulad ng pagdagdag ng piyesa, adjustments, upgrades, at pagpapalit ng standard parts at components, basta alinsunod sa regulasyon ng ahensiya. Kasabay nito, kinakailangang aprubahan ng LTO ang mga pagbabago sa mga numbered owner-identifying parts.

        Sinabi ni Pacquiao sa kanyang explanatory note: “There is a loudening clamor for the State to assist in providing education and training in motorcycle use and safety protocols, and to provide technically correct, responsive and consistent laws and regulations that ensure order and safety, while minimizing conflict, confusion, and misinterpretation.

        “This bill seeks to recognize the rights of motorcycle riders and users, address their and other vehicle driver’s safety concerns, and regulate the industry that supports them.”

        Continue reading below ↓

        Narito ang buong kopya ng Senate Bill 2263 ni Pacquiao mula sa official website ng Senado.

        (Hunyo 3, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱