Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Paggamit ng body cam ng motorcycle taxi riders, iminungkahi ng kongresista

        Makatutulong ito sa pag-imbestiga sa road accidents
        by Aris Ilagan Apr 20, 2021
        PHOTO: Matthew Galang

        Muling nagpulong ngayong umaga ang technical working group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga stakeholder upang talakayin ang umiiral na pilot run program para sa tatlong motorcycle taxi company sa Metro Manila, Cebu, at Cagayan de Oro City.

        Pinangunahan ni Representative John Rey Tiangco ang talakayan sa estado ng extended pilot run program na inaprubahan ng House of Representatives. Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, at National Task Force on COVID-19 noong Nobyembre 2020 bilang solusyon sa kakulangan ng pampublikong sasakyan sa panahon ng pandemya.

        Extended Pilot Run Program Meeting

        Continue reading below ↓

        Target ng Kongreso na makapagpasa ng batas upang maging legal ang operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa at maiwasan ang pagtangkilik ng mga commuter sa habal-habal o colorum riders habang nararanasan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan sa maraming lugar sa bansa.

        Isa-isang nagbigay ng ulat ang mga opisyal at kinatawan ng tatlong motorcycle taxi company na pinagkalooban ng certificate to operate ng DOTr at Land Transportation Office (LTO). Mula sa pitong motorcycle taxi company na nag-apply sa pilot run program, tatlo lang ang pinayagan ng gobyerno na bumiyahe, at ang mga ito ay kinabibilangan ng Angkas, JoyRide, at Move It.

        motorcycle taxi company pilot run program application

        Continue reading below ↓

        Sa gitna ng talakayan, iminungkahi ni Rep. Tonypet Albano sa TWG na obligahin ang mga motorcycle taxi rider na gumamit ng body cam upang makatulong sa pag-imbestiga sa pinagmulan ng mga road accident na kinasasangkutan ng mga ito. Bukod dito, makatutulong din itong matukoy ang mga abusadong traffic enforcer o pasahero.

        “They (motorcycle taxi riders) can also report crime incidents using the body cam,” ayon kay Albano. Ginawang halimbawa ni Albano ang mga motorista sa United States na obligadong gumamit ng body cam at dashcam kaya agad na natutukoy ang pinag-ugatan ng mga aksidente.

        Umani ng suporta ang panukala ni Albano mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Information and Communication Technology at LTO na kabilang sa mga nagpapatupad ng pilot run scheme.

        Binigyang diin ng TWG na sa ngayon, hindi pa aprubado ang paggamit ng bodycam ng mga motorcycle taxi rider dahil kailangan muna itong talakayin kasama ang ibang mga stakeholder sa sektor ng pampublikong sasakyan.

        Continue reading below ↓

        Pinayagan ng DOTr ang 63,000 rider ng Angkas, JoyRide, at Move It na magsakay ng pasahero sa Metro Manila, Metropolitan Cebu, at Cagayan de Oro City subalit hindi napunan ang mga rider slot ng tatlong kumpanya.

        See Also

        View other articles about:
        PHOTO: Matthew Galang

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱