Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Courier service riders, sumailalim sa drug detection training ng PDEA

        Upang hindi malusutan ng sindikato
        by Aris Ilagan Apr 13, 2021
        PHOTO: J&T Express Philippines

        Bunsod ng dumaraming insidente kung saan nagagamit ang mga courier service rider ng sindikato ng droga, nagsanib puwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at J&T Express Philippines upang isailalim ang mga tauhan ng J&T sa drug detection training.

        Ang J&T ay isa sa mga pinakamalaking logistics company sa Pilipinas na mahigpit na sumusunod sa health safety protocols na inilatag ng gobyerno upang maihatid ng ligtas ang mga package ng mga customer, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

        Continue reading below ↓

        Tiniyak ng J&T management na hindi nito papayagan magamit ang kanilang tauhan sa mga ilegal na aktibidad, lalo na ang drug trafficking, ngayong lumalakas ang sektor ng  e-commerce sa bansa. Ito ang dahilan kaya lumagda sila sa isang memorandum of agreement noong Disyembre 2020 sa pagsasagawa ng drug detection skills training na pangangasiwaan ng PDEA.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ang mga empleyado ng J&T na sumailalim sa pagsasanay ng PDEA kamakailan ay nakabase sa Cagayan de Oro City at Davao City, at mga lalawigan ng Laguna, Batangas, Cebu, at Nueva Ecija.

        Sinanay ng PDEA instructors ang mga rider sa mga sumusunod na proseso: User identification, delivery safety protocols, at overall reporting method upang agad na maipaalam sa ahensiya sakaling may nadiskubreng droga sa mga pakete.

        Continue reading below ↓

        Simula 2016 hanggang Marso 2021, umaabot na sa P57.81 bilyon ang halaga ng droga, laboratory equipment, controlled precursor at sari-saring kemikal ang nasamsam ng PDEA.

        Bago isinagawa ang pagsasanay, naglabas na ang J&T Express ng customer protection guidelines at package safety protocols para sa mga delivery rider tulad ng open checking, deklarasyon ng halaga ng gamit, at paglalagay ng package description.

        Mahigpit din ang tagubilin sa mga rider tungkol sa regular sanitizing at pagsunod sa physical distancing policy ngayong panahon ng pandemya.

        See Also

        PHOTO: J&T Express Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱