Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        May sapat na proteksiyon ba ang delivery riders laban sa pang-aabuso?

        Dapat linawin ang klasipikasyon ng delivery sektor
        by Aris Ilagan Apr 12, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga dahilan ng biglang pagdami ng delivery riders sa bansa ay kawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

        Kabilang dito ang pagkakatanggal sa trabaho, paglalagay sa floating status, o kaya’y pagsasara ng kumpanyang pinagtatrabahuhan matapos malugi bunsod ng sunud-sunod na quarantine restrictions sa Metro Manila at iba pang lugar.

        Ang masaklap dito, ibinuhos ng mga rider ang kanilang naipong pera mula sa suweldo sa pagbili ng motorsiklong magagamit sa delivery. Habang ang iba ay inutang ang pang-downpayment at pinagtitiyagaang bunuin ang monthly amortization para lang may magamit na unit.

        Kasabay ng pagdami ng mga delivery rider ay ang pagtaas ng insidente ng harrassment, panloloko, at panggigipit na nararanasan nila sa kanilang trabaho. Naglipana rin ang mga insidente ng fake order at last-minute cancellation ng booking ng customer.

        Alam naman natin na ang karaniwang pinag-uugatan ng harrassment sa mga quarantine checkpoint kung saan mali ang interpretasyon ng batas ng mga nagmamando ng naturang control points. Ang tanong: Sapat ba ang proteksiyong ibinibigay ng gobyerno sa delivery riders?

        Continue reading below ↓

        Ayon kay General Du, isang labor lawyer na nasa likod ng Batas Manggagawa (free legal consultation online), iisa lang ang dahilan sa kawalan ng proteksiyon ng mga delivery rider sa mga kalbaryong kinahaharap nila.

        “Hindi kasi makahabol yung mga polisiya at batas ng gobyerno sa teknolohiya. Yan ang pinagmumulan ng problema,” ayon kay Atty. Du, na siya ring legal counsel ng Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong).

        Continue reading below ↓

        Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na estado ng mga delivery rider bilang manggagawa: Kung sila ba’y empleyado, ahente, o independent contractor. Ang masaklap dito, kapag naipit sa checkpoint o kaya’y nabiktima ng fake delivery order, ang rider ang karaniwang nagbabayad ng mga in-order na pagkain o gamit.

        Ito rin ang nais linawin ng Kagulong sa National Employment Recovery Summit ng Department of Labor and Employment na gaganapin sa ika-15 ng Abril. Hangad ng Kagulong na maituwid ang klasipikasyon ng mga delivery rider bilang “ganap na manggagawa” mula sa kasalukuyang estado na “delivery partner.”

        “Sa ganitong paraan lang mabibigyan ng sapat na proteksiyon ng gobyerno ang mga delivery rider,” ayon kay Don Pangan ng Kagulong, isang organisasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng mga rider sa bansa.

        See Also

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱