Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        DOTr: Seryoso kami sa bike lane program

        Bike Manual, libreng ipamamahagi sa publiko
        by Aris Ilagan Apr 21, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Inilunsad na ng SM Supermalls at SM Cares kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan ang DOTr-SM Bike Manual upang maging gabay ng mga siklista sa ligtas na pagbiyahe sa mga designated bike lane na inilatag sa Metro Manila at ibang siyudad sa bansa.

        Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade ang online launching ceremony para sa bike manual kasama ang mga opisyal ng dalawang kumpanya ng SM at iba pang stakeholders.

        DOTr-SM Bike Manual

        Continue reading below ↓


        “Consider this great news for the cyclists. Sa ganda ng programang ito, hindi po hihinto ito kahit tapos na ang pandemya. Tuluy-tuloy po ito,” tiniyak ng kalihim sa isinagawang virtual presscon.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Iniulat ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor for Road Transport and Infrastructure na umabot na sa 535km na bike lanes ang nailatag na ng pamahalaan sa Metro Manila, Cebu, at Davao City upang isulong pagbibisikleta bilang ‘active transportation’ ngayong panahon ng pandemya.

        Aabot sa P1.1 bilyon ang pondo mula sa Bayanihan to Recover as One Act ang inalaan sa bike lanes sa Metro Manila (P800 million), Metropolitan Cebu (P150 million), at Davao City (P15 million) na may kabuuang 760km na distansiya.

        Sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways, tiniyak ni Tugade na madadagdagan pa ang mga bike lane sa iba’t ibang lugar sa bansa para makumbinse ang publiko na gumamit ng bisikleta upang mapangalagaan din ang kanilang kalusugan.

        Continue reading below ↓

        Bike lane

        Nanawagin rin ang opisyal sa mga motorista na galangin ang mga siklista, lalo na kung sila’y nasa designated bike lane.

        Ipinakita ni SM Supermalls President Steven T. Tan ang Bike Manual kung saan nakasaad hindi lamang ang tamang paggamit ng bike lane ngunit ang kahalagahan ng pagmimintina ng bisikleta at pagsuot ng riding gear upang maging ligtas ang biyahe ng rider.

        Continue reading below ↓

        Nakasaad din ang safety riding tips, traffic regulations, at minimum health protocols na dapat isapuso ng mga siklista para sila ay malayo sa peligro. Ipinakita rin sa naturang seremonya ang isang video na inihanda ng SM Cares at SM Supermalls kung saan ikinuwento ng ilang mga siklista ang benepisyong nakukuha nila sa regular na pagbibisikleta.

        Halos sinlaki ng pasaporte na ating ginagamit sa foreign trips, ang DOTr-SM Bike Manual ay libreng ipamamahagi sa publiko sa mga susunod na araw.

        DOTr-SM Bike Manual

        Continue reading below ↓

        See Also

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱