Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        DOTr, rumesbak sa hirit ni Senator Recto sa mandatory PMVIC testing

        Tinalakay ang mga isyu punto-por-punto
        by Aris Ilagan Jul 23, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Hindi pinalagpas ng mga may-ari ng private vehicle inspection centers (PMVIC) ang mga patutsada ni Senator Ralph Recto sa isyu ng pagdeklara ng gobyerno na gagawing mandatory na ang roadworthiness test sa kanilang pasilidad.

        Sa kabila ng pagkakaiba ng posisyon sa isyu, pinasalamatan pa rin ng PMVIC steering committee ng Department of Transportation (DOTr) si Recto dahil sa pagkilala niya sa mga magagandang proyekto ng ahensya sa sektor ng transportasyon bagamat hindi sinasangayunan ng mambabatas ang ilan sa kanilang programa.

        In his desire to improve, enhance and cultivate a culture of discipline, responsibility and awareness amongst the stakeholders, we want to assure the honorable Senator Recto that we are with him in rallying our people to what is right, and not necessarily what is popular, in upholding our nation’s best interest,” ayon sa komite.

        Samantala, narito ang punto-por-puntong sagot ng PMVIC steering committee na pinamumunuan ni Artemio Tuazon sa mga isyung ipinukol ng senador laban sa bagong polisiya ng DOTr na inaasahang ipatutupad sa susunod na linggo:

        Continue reading below ↓

        1) Legality

        Naglabas na ng legal opinion ang Office of the Solicitor General (OSG) noong March 18, 2021, kung saan sinabi nito na binigyan ng awtorisasyon ang DOTr at Land Transportation Office (LTO) upang tiyakin na roadworthy ang mga sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng motor vehicle inspection center (MVIC).

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Nilinaw din ng OSG na hindi pinapasa ng DOTr ang tungkulin nito sa pribadong sektor sa pagpapatayo ng mga PMVIC. Sa halip, humingi lang ang dalawang ahensiya ng tulong sa pagpapatupad ng MVIS dahil kapos sa pondo ang gobyerno para pambili ng computerized testing equipment.

        2) Efficiency and convenience

        Iginiit ng DOTr na hindi magreresulta sa mahabang pila ng mga aplikante sa roadworthiness testing; mas matagal na pagpoproseso ng resulta; at mas malayong distansiyang kanilang bubunuin sa pagpunta sa mga PMVIC sites tulad ng ipinangangamba ni Recto.

        Ayon sa ahensiya, nakapaloob sa DOTr Memorandum Circular No. 2021-02, o mas kilala bilang ‘Implementation of Geographical Area of Responsibility (GAOR) for the registration for light vehicles and motorcycles, dated July 5, 2021’ ang solusyon sa mga posibleng magiging problema na binanggit ng senador.

        Continue reading below ↓

        3) Overlapping of jurisdiction

        Tiniyak din ng DOTr na maaari pa ring tumanggap ang mga opisina ng LTO ng resulta ng roadworthiness test mula sa ano mang PMVIC na sakop ng area of coverage nito bagamat mayroon pa ring operational na private emission testing center (PETC) sa bisinidad.

        Pakay ng mga PMVIC na magsagawa ng full roadworthiness test sa mga sasakyan gamit ang computerized testing equipment, kabilang ang emission test. Habang ang mga PETC naman na nasa lugar ay magsasagawa ng emission test at visual inspection sa mga sasakyan. Maaari ring tumanggap ang PETC ng heavy vehicles (truck at bus) sa lugar habang ang kalapit na PMVIC lamang ang maaaring magsagawa ng vehicle testing sa mga kotse at motorsiklo.

        4) Affordable testing fees

        Ibinandera rin ng DOTr ang kanilang P600 testing fee sa light vehicles at P500 sa motorsiklo sa ikinasang mandatory PMVIC testing dahil ang mga rates na ito ay  halos kapantay ng singil sa emission testing. Bukod dito, hindi rin maniningil ang PMVICs ng retesting fee sa mga sasakyan na babagsak sa roadworthiness check.

        Continue reading below ↓

        With these, we wish to gently re-direct the misimpression of the honorable Senator we are marketing the PMVICs as the be-all, end-all solution to minimizing road accidents. Though roadworthiness is not the cure-all for road crashes, it is one of the pillars of road safety,” giit ng komite.

        Thus, we remain firm in our commitment to address the roadworthiness requisite prior to renewal of vehicle registration. And currently, the PMVICs are the most equipped facilities which can accurantely, efficiently, and reliably measure this vital requirement of the law,” dagdag nito.

        Ano’ng say n’yo?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱