Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        DOTr chief: Walang toll fee hike habang may pandemya

        Bad timing daw
        by Aris Ilagan Sep 23, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade na hindi papayagan ng DOTr ang mga tollway company na magpatupad ng fee hike sa gitna ng COVID-19 pandemic.


        Inihayag ito ng kalihim matapos lagdaan ng mga opisyal ng DOTr at San Miguel Corporation (SMC) na pag-aari ni Ramon Ang ang Supplemental Toll Operations Agreement (STOA) ng Pasig River Expressway (PAREX).


        Bagamat naiintidihan niya ang hiling ng tollway operators para sa panibagong taas-singil sa toll fee para sa kani-kanilang pasilidad, binigyang-diin ni Tugade na hindi napapanahon ang pagpapatupad ng taas-singil habang nahaharap ang sambayanan sa matinding krisis.


        “Nakikita natin yung pangangailangan ng operators ng increases na yan nang sa ganoon, yung funding requirements nila ay maasikaso. Pero kailangang din ng tulong ng sambayanan, lalot higit tayo ay nasa pandemyang nangyayari ngayon,”giit ng opisyal.

        Sa panayam kamakailan ng Top Bikes Philippines kay Ang, na siyang president at COO ng SMC, isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila maaaring magbigay ng discount sa big bikes na gumagamit ng kanilang tollways ay dahil sa matagal nang inuupuan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang kanilang hiling para sa toll fee hike.

        Continue reading below ↓

        Aniya, noon pang 2009 nang hilingin nila sa TRB na aprubahan ang dagdag-singil sa SMC-owned tollways tulad ng South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) subalit ito’y ikinibitbalikat lamang ng gobyerno.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        We need to strike a good balance. Yung pangangailangan ng investors, yung mga kakayahan ng publiko. Kailangang ibalanse yan,” giit naman ni Tugade.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱