Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        SONA 2021: Higpitan ang physical exam sa 10-year driver’s license

        Dapat malakas pa ang pandinig, malinaw ang paningin
        by Aris Ilagan Jul 26, 2021
        PHOTO: Leandre Grecia

        Sa kanyang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA), inisa-isa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga natupad na programa para sa mga commuter at motorista sa bansa.

        Ibinida ng pangulo ang mga bagong tulay, kalsada, flyover, at iba pang imprastraktura na naitayo sa limang taong panunungkulan bilang ika-16 na lider ng bansa. Binanggit din ng punong ehekutibo ang pinabuting serbisyo sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) systems kaya naibsan ang kalbaryo ng mga commuter.

        Aniya, malaki rin ang ginhawang naidulot sa mga tumatangkilik sa light rail systems matapos magdagdag ng mga bagong tren at bagon dahil mas mabilis ngayon ang kanilang biyahe.

        Para sa mga motorista, ibinandera rin ni Duterte ang pagkakaroon ng driver’s license mula sa Land Transportation Office (LTO) na may 10-year validity bago matapos ang kasalukuyang taon.

        Bagamat ilang ulit niyang binanggit na pabor siya sa proyektong ito, may tagubilin naman ang Pangulong Duterte para sa mga opisyal ng LTO: Higpitan ang physical exam sa mga aplikante ng 10-year driver’s license upang matiyak ang kanilang kapasidad magmaneho ng sasakyan.

        Continue reading below ↓

        I think after five years (expiration of driver’s license), they should have a stricter process by imposing requirements essential to eyesight. Yung iba (drivers) hindi na nakaririnig, naobserbahan ko,” anang Pangulo sa kanyang ad lib. “Dapat tingnan lang kung kaya pa (nila magmaneho).”

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Matatandaan na unang inihayag ng LTO na ang pangunahing basehan nito sa pag-iisyu ng 10-year driver's license ay ang pagkakaroon ng clean record sa pagmamaneho ng aplikante. Para mas simple: Wala dapat siyang traffic violation.

        Sa tradisyunal na physical examination ng LTO, isinasalang ang mga aplikante sa 20/20 vision test at kinukuha rin ang blood pressure para matiyak na ito ay nasa normal level bilang basehan sa kanyang kapasidad na makapagmaneho ng sasakyan.

        Pabor ba kayo sa paghihigpit sa physical exam para sa renewal ng driver’s license?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Leandre Grecia

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱