Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Report: Fake booking sa delivery service, pinaiimbestigahan na sa NBI

        Crime does not pay
        by Aris Ilagan Apr 9, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Crime does not pay.


        Ito ang mariing babala ni Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy sa mga nasa likod ng karahasan at fake bookings sa mga delivery rider.

        Ayon sa ulat ng Pilipino Mirror, nababahala si Herrera sa dumaraming insidente ng fake bookings sa mga delivery rider na hindi lamang nagdudulot ng perwisyo sa mga ito ngunit kawalan din ng kita sa kanilang trabaho.

        Dahil dito, inatasan ng kongresista ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang serye ng fake orders at alamin ang mga personalidad na nasa likod nito upang sila ay mapatawan ng karampatang parusa.

        Si Herrera, kinatawan ng Bagong Henerasyon party list, ang may-akda ng proposed House Bill No. 7559 o Magna Carta of E-Commerce Delivery Personnel na nagbibigay proteksiyon sa mga delivery rider na karaniwang nakararanas ng kanselasyon sa cash-on-delivery transactions o fake deliveries.

        Ito ay matapos isulong ng gobyerno ang cashless transactions sa mga delivery service upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga customer at rider. Ilang video ng mga delivery rider na nabiktima ng fake orders ang naging viral sa social media nitong mga nakaraang panahon.

        Continue reading below ↓

        Humingi rin ng tulong si Herrera sa Department of Information and Communications Technology at National Privacy Commission upang makipagtulungan sa NBI sa pagtukoy ng mga nasa likod ng fake booking gamit ang kanilang technical expertise.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱