Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Fixer ng mga driver’s license sa LTO main office, arestado sa entrapment operation

        Huwag tularan
        by Aris Ilagan Jun 17, 2021
        PHOTO: Land Transportation Office

        Arestado ang isang umano’y fixer sa entrapment operation ng mga tauhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa punong tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Martes.

        Kinilala ang suspek na si Randy Albor. Siya ay naaresto matapos alukin si Undersecretary Carlos Quita, ARTA deputy director general for administration finance, ng tulong sa pagre-renew ng kanyang driver’s license na hindi na daraan sa normal na proseso na itinalaga ng LTO.

        Laking gulat ni Quita na sa loob mismo ng tanggapan ng LTO kinuha ni Albor ang kanyang lisensiya.

        Itinuturing ni ARTA director general Jeremiah Belgica ang LTO main office bilang hotspot ng mga fixer ng lisensiya kaya pinatutukan niya ito sa mga ahente ng kanyang tanggapan upang manmanan ang mga ilegal na aktibidad sa lugar.

        “Nakikiusap din ako sa taong bayan. Huwag po natin kunsintihin ang mga fixer kasi ang korapsiyon ay two-way street,” pahayag ng opisyal. “Sitahin niyo, paalisin niyo kung mayroong mga taong ganyan. Otherwise, madadamay sila,” dagdag niya.

        Continue reading below ↓

        Agad na inilipat sa pangangalaga ni LTO chief Edgar Galvante ang lisensiya na ibinigay ni Albor kay Quita upang malaman kung ito ay peke o hindi. Naniniwala si Galvante na mahirap makopya ng mga fixer ang tunay na LTO driver’s license dahil taglay nito ang mga security feature upang hindi mapeke.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Nahaharap si Albor sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11032 o the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. Ang suspek ay inilipat sa kustodiya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame, Quezon City.

        Magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ng LTO hinggil sa insidente, ayon kay Galvante.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Land Transportation Office

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱