Hinamon ni Valenzuela City representative Wes Gatchalian ang Toll Regulatory Board (TRB) na unahin munang patawan ng multa ang tollway operators dahil sa RFID-related issues ng kanilang cashless payment systems, bago ipatupad ang three-strike policy laban sa mga motoristang dumaraan sa RFID lanes kahit na kulang ang load ng kanilang Easytrip o Autosweep accounts.
“Why should we penalize motorists who use the tollways to travel when the toll operators are getting away scot-free despite bungling the implementation of the cashless toll payment system?” tanong ni Gatchalian.
Sinabi ng mambabatas na hanggang ngayon, wala pang ipinapataw na multa sa tollway operators sa kabila ng sakit sa ulo na inaabot ng mga motorista dulot ng RFID-based cashless toll collection. Kabilang sa mga problemang inirereklamo ng RFID users ang technical glitches, mabagal na pagtaas ng toll-booth barriers, double charging, defective scanners, at iba pa.
Matatandaang noong December 2020, sinuspinde ng Valenzuela City ang business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) matapos makaranas ng matinding traffic ang mga motoristang dumaraan sa toll plazas na nasasakupan ng lungsod. “To date, no fine has ever been imposed on the toll operators despite the numerous issues we have identified in the implementation of the RFID system during the last hearing of the House Committee on Metro Manila Development on January 19,” sabi ni Gatchalian.
Iginiit din ni Gatchalian na dapat ay huwag munang ipatupad ng TRB ang three-strike policy hangga’t hindi naaayos ang mga problema sa interoperability ng Autosweep (para sa expressways ng SMC Tollways) at Easytrip (para sa expressways ng Metro Pacific Tollway Corporation): “Until such time that Easytrip and Autosweep are made compatible with each other’s tollway system, no fine should be imposed on motorists using the expressways.”