Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Bakunado? Maaari kang manalo ng P250K worth of prizes sa Grab promo

        15% discount para sa mga papunta sa vaccination sites
        by Aris Ilagan Aug 15, 2021
        PHOTO: Shutterstock

        Napansin niyo ba ang iba’t ibang kampanya para makumbinsi ang ating mga kababayan na magpabakuna laban sa COVID-19? Sari-saring discount at iba pang promos ang alok ng gasoline stations, restaurants, service companies, at maging delivery services para maengganyo ang publiko na magpabakuna.

        Pero sa tingin ninyo may titindi pa rito? Nag-alok ang Grab Philippines ng P250,000 halaga ng vouchers na matatanggap sa GrabPay mobile wallet at marami pang ibang exciting prizes sa mga masuwerteng bakunadong indibidwal na tumatangkilik sa iba’t ibang serbisyo ng naturang service provider.

        Ito ay bunsod ng partnership agreement na nilagdaan kamakailan ng Grab Philippines, Department of Transportation (DOTr), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang lumaki ang kumpiyansa ng publiko sa vaccination program ng pamahalaan.

        Tinaguriang ‘GrabBayanihan Vaccination Support Program,’ target ng grupo na makatulong sa pagpapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng bakuna laban sa nakamamatay na virus gamit ang digital platform ng Grab at malawak na network nito.

        Continue reading below ↓

        We believe that by getting more of our transport stakeholders inoculated, we are doing right by our communities, help enhance socio-economic activities, and boost our prospects of recovery,” saad ni Grab Philippines country head Grace Vera Cruz.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Samantala, narito ang tatlong aspeto ang nationwide promo ng Grab:

        1) Promo vouchers

        Awtomatikong makatatanggap ng promo vouchers ang mga pasahero sa tuwing magsusumite sila ng kanilang vaccination card sa Grab.

        Continue reading below ↓

        2) Grand prize

        Maaari ring manalo ang mga promo participant ng hanggang P250,000 sa kanilang GrabPay account. Bisitahin ang official website para sa mga karagdagang detalye sa pagsali.

        3) Discounted rides

        Magbibigay rin ng 15% discount ang Grab Philippines sa mga indibidwal na magtutungo sa iba’t ibang vaccination sites. Ito ay matapos bumuo ang kumpanya ng grupo ng bakunadong driver-partners na magdadala sa mga pasahero sa vaccination venues.

        Maaaring magtungo sa vaccination hub ng DOTr sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Ano pa ang hinihintay mo? Tara, magpabakuna na!

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱