Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Sino ang nakasubok na sa 2020 Honda PCX160 at PCX e:Hev?

        Patindi nang patindi ang pagalingan ng premium scooters
        by Aris Ilagan Jun 25, 2021
        PHOTO: Honda
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Hindi natitinag ang Honda sa pakikipagsabayan sa lumalaking scooter market sa pagpapakilala nito ng 2021 Honda PCX160 at e:HEV.

        Ang bagong PCX160 ay mayroong 156cc single-cylinder liquid-cooled engine na kayang humarurot gamit ang 15.6hp sa 8,500rpm at 15Nm ng torque sa 6,500rpm. Nadagdagan ito ng 1hp at 1.8Nm kumpara sa PCX150.

        Kargado rin ang PCX160 ng bagong exhaust system at air intake para sa mas okay na fuel combustion. Bago rin ang rehistro sa LCD nito, na mayroong standard na Honda Selectable Torque Control. Nariyan pa ang dagdag na 2.4 liters sa compartment room ng underseat ng scooter na ito, kaya sa kabuuan ay mayroon itong 30.4 liters ng espasyo.

        Bukod dito, ang windshield ay ilang pulgadang mas mataas kaysa lumang model, habang mas madali ring makita ang turn signals sa umaga dahil na rin sa bagong bright yellow lens nito. Pinaganda pa ang disenyo ng side panels sa unahan upang mas maging agaw-pansin ang maangas na porma at aerodynamics ng motorsiklong ito.

        Continue reading below ↓

        Bago rin ang disenyo ng alloy wheels ng latest PCX160 dahil mas malapad na ang gulong nito—110/70 at 130/70 sa harap at likod. Samantala, kabilang sa carry-over features ang keyless entry system, USB port sa ilalim ng upuan, single-channel ABS sa harapan, at LED lights.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ang bagong PCX e:HEV hybrid scooter naman ay pinagsamang AC electric motor (na pinagagana ng lithium battery) at pinatatakbo ng 125cc engine. Pareho ang platform nila ng PCX160. Yung electric motor ay may lakas na 1.9hp at 4.3Nm. Samahan pa ng 12.3hp at 12Nm ng 125cc engine, ang kabuuang output nito ay hindi nagkakaiba ng sa PCX160.

         

        (Disyembre 26, 2020, nang unang nalathala ang artikulong ito sa Topbikes.ph.)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Honda

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱