Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Report: Installment-only scheme sa pagbili ng motorsiklo, ipinagbabawal na ng DTI

        Dapat ipaalam sa buyer ang mga payment option
        by Aris Ilagan Apr 9, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Bunsod ng santambak na reklamo mula sa mga motorcycle buyer, ipinagbawal na ng  Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng motorsiklo sa pamamagitan lang ng installment-only purchase scheme.

        Base sa ulat ng BusinessWorld, nilagdaan na ni DTI secretary Ramon Lopez ang Administrative Order No. 21-03 noong March 23, 2021, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang installment-only scheme sa lahat ng commodity, kabilang ang mga motorsiklo.

        Matatandaan na isinalang sa pagdinig ng Senado ang ilang motorcycle dealer sa bansa matapos magreklamo ang ilang buyer na iniipit umano ng mga ito ang mga motorcycle unit sa mga bumili nang cash.

        Sa serye ng mga pagdinig na dinaluhan din ni Lopez nitong nakaraang Pebrero, ilang video ang ipinakita ni Sen. Richard Gordon na nagpapakita ng mga dismayadong cash buyer matapos sabihan umano ng mga dealer na walang available unit maliban lang kung sila ay bibili sa pamamagitan ng financing scheme. Laking galit din ni Gordon nang madiskubre na ang monthly interest rate na sinisingil ng mga dealer ay umaabot sa 5%. 

        Continue reading below ↓

        Bukod dito, sinabon din ni Gordon ang mga motorcycle dealer dahil sa ura-uradang paghatak ng mga motorsiklo kapag nabigo ang may ari na bayaran ang monthly amortization, at ang hindi pagbibigay ng orihinal na kopya ng original receipt at certificate of registration ng unit sa buyer habang hinuhulugan pa ang unit.

        Nakasaad sa kautusan ng DTI na maaari pa ring mag-alok ang mga motorcycle dealer ng discount kapag ang unit ay binayaran ng cash, habang pareho naman ang singil kung ito ay babayaran sa pamamagitan ng debit o credit card, QR code, at iba pang uri ng electronic fund transfer.

        Dapat din ipaskil ng mga motorcycle dealer sa showroom ang listahan ng mga payment option kasama ang iba pang fee at penalty upang malaman ng mga prospective buyer.

        Obligado rin ang mga seller na bigyan ng kopya ang mga buyer ng lahat ng  transaction at ownership document, bukod sa pagsunod sa due process sa paghatak ng mga motorsiklo kapag wala nang kakayahan ang may-ari nito na bayaran ng monthly amortization.

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱