Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ordinansa vs. loud exhaust, nilagdaan na ni Manila mayor Isko Moreno

        Bukod sa pagbayad sa multa, kumpiskado rin ang lisensya
        by Aris Ilagan Oct 4, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kung sa pandinig ninyo ay maingay ang exhaust system ng inyong motorsiklo, pag-isipan ninyo muna bago kayo mapadpad sa Maynila. Ito ay matapos lagdaan ni mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8772 na may titulong Noise Regulation in Manila noong October 1, 2021.

        Nakasaad sa Section 5 ng ordinansa: “It shall be unlawful for any person to use or operate a motor vehicle with a modified muffler that emits and produces noise levels beyond the national standard of 99dB taken at an engine speed of 2,000rpm to 2,500rpm.”

        Continue reading below ↓

        Nakasaad sa batas na ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Philippine National Police (PNP) ang magpapatupad na nito sa siyudad.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kukumpiskahin ang lisensiya ng mga lalabag sa city ordinance na ito at makapagmamaneho lamang sila ng motorsiklo sa loob ng limang araw bitbit ang temporary permit ng MTPB.

        Mababawi lamang ng may-ari ng motorsiklo ang kanyang lisensya kapag napalitan na ang exhaust system, kung saan ang ingay na nililikha nito ay pumasa sa susunod na noise-level test ng MTPB. Nakasaad din sa ordinansa na sagot ng may-ari ng motorsiklo ang gastusin sa pagpapalit ng tambutso.

        Continue reading below ↓

        Ang multang kinahaharap ng mga lalabag ay P1,000 (first offense); P3,000 (2nd); at P5,000 (3rd). Naatasan din ang mga traffic enforcer na baklasin ang maiingay na tambutso na maiispatan sa lansangan.

        Exempted sa naturang batas ang mga motorsiklong may engine displacement na 400cc at pataas, ginagamit sa racing competition, at pang-motor show.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱