Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Medical requirements sa 10-year driver’s license, posibleng dagdagan ng LTO

        Konsultasyon sa accredited clinics, aarangkada na
        by Aris Ilagan Jul 27, 2021
        PHOTO: Drei Laurel

        Para kay Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante, malinaw pa sa sikat ng araw ang motibo ng bagong direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte  na higpitan ang pagsasagawa ng medical exam para sa mga aplikante ng 10-year driver’s license.

        Sa panayam sa pagbubukas ng 313-km Metro Manila Bike Lane Network ngayong umaga, sinabi ng hepe ng LTO na bago pa man ihayag ng punong ehekutibo ang kautusan ay inihahanda na ang ahensiya ng mga panuntunan sa paghihigpit sa proseso ng physical exam para sa mga kukuha ng 10-year driver’s license na ipatutupad ngayong taon.

        Aniya, makikipagpulong ang liderato ng ahensiya sa LTO-accredited clinics upang pag-usapan ang mga hakbang upang matiyak na tanging ang mga pumasa lamang sa medical exam ang makakukuha ng 10-year driver's license.

        “Posible naming dagdagan ang requirements sa medical exam. Depende yan sa magiging resulta ng aming pagpupulong sa mga operator ng mga klinika na nagsasagawa ng pagsusuri sa mga aplikante. Posible ring magdagdag ng medical equipment ang mga clinic,” ayon kay Galvante.

        Continue reading below ↓

        Sinabi pa niya na maaaring obligahin ang mga clinic na bumili ng karagdagang medical equipment upang makatutulong sa pagsuri sa kondisyon ng mga aplikante, tulad ng color vision testing upang makaiwas sa mga aksidente bunsod ng maling pagtukoy sa traffic lights.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Maaari rin aniyang hingin nila sa aplikante ang kanyang medical records upang mai-upload sa LTO database.

        Binigyang diin niya na handa ring magbigay ng konsiderasyon ang licensing agency sa mga persons with disabilities (PWD) subalit dapat nilang ihanda ang mga dokumento at medical records na magpapatunay sa kanilang pisikal na kalagayan.

        Aniya, sa serye ng pagpupulong sa LTO-accredited clinics malalaman kung kakailanganing magdagdag ng requirements sa medical checkup para sa license renewal. “Mayroong mga taong mahina ang pandinig subalit gumagamit sila ng hearing aid. Pwede natin silang bigyan ng konsiderasyon,” saad ng opisyal.

        Sa kabila nito, umapela si Galvante sa mga motorista na alagaan ang kanilang kalusugan at regular na magpatingin sa doktor para mabatid ang kanilang health status. “Hindi kung kailan magre-renew sila ng lisensiya ay doon pa lang sila magpapa-check up,” giit ng LTO chief.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Drei Laurel

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱