Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        LTO driver’s license: Card na lang, wala nang papel na resibo

        Lisensiya na may 10-year validity, kasado na rin
        by Aris Ilagan Jul 7, 2021
        PHOTO: Land Transportation Office

        Matapos ang ilang taong kalbaryo sa pagkuha ng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO), ideneklara ng Department of Transportation (DOTr) na nasolusyunan na nito ang three million backlog sa lisensiya dahil sa bagong programa na inilatag ng ahensiya.

        Para sa mabilis na transaksiyon, inihayag ng DOTr na hindi na rin magbibigay ang LTO ng papel na resibo para sa mga driver na magre-renew ng kanilang lisensiya. Sa halip, tanging ang driver’s license card ang kanilang matatanggap.

        “Ngayon, ang dating papel na lisensiya, card na, at valid pa for five years,” ayon sa mensahe ng DOTr. Tiniyak ng ahensiya na may karagdagang security features ang mga bagong driver’s license card upang matuldukan na ang pamemeke ng mga lisensiya.

        Bago nito, inuulan ng batikos ang LTO dahil inaabot sa mahigit isang taon bago ma-isyuhan ng driver’s license card ang mga nagre-renew ng lisensiya. Kaya kadalasan, papel na resibo lang ang kanilang bitbit tuwing bumibiyahe.

        Continue reading below ↓

        Sa bagong setup ngayon, hindi na maglalabas ang LTO ng papel na resibo at tanging ang driver’s license card na lang ang matatanggap ng motorista. Nais lang naming linawin: Ang kasalukuyang nilalabas ng ahensiya na driver’s license ay may five-year validity rin.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        “Ngayong taon, nakatakda na ring simula ang pamamahagi ng driver’s license na may 10-year validity, sa ilalim ng isang enhanced demerit system,” inihayag ng DOTr.

        Bingiyang diin ng kagawaran na tanging ang mga driver na may malinis na record sa LTO ang maaaring makakuha ng 10-year valid license.

        O ngayon, bilib na ba kayo sa DOTr at LTO?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Land Transportation Office

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱