Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        LTO, nagbabala laban sa nag-aalok ng pekeng driver’s license sa social media

        Ang ‘no-show’ processing fee ay P3,500 hanggang P6,500
        by Aris Ilagan Jun 2, 2021
        PHOTO: Leandre Grecia

        Pinaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na iwasang makipagtransaksiyon sa mga nag-aalok ng pekeng LTO driver’s license sa social media.

        Sa isang kalatas, tinukoy ng ahensiya ang bogus na Facebook page na ‘LTO License Assistance Center’ na nambibiktima ng mga aplikante ng driver’s license. Anila, hindi konektado ang mga nasa likod ng naturang page sa ahensiya.

        Continue reading below ↓

        Hinihikayat ng mga nasa likod ng naturang licensing scam ang mga aplikante na magbayad mula P3,500 hanggang P6,500 bilang processing fee upang makakuha ng driver’s license na hindi na kailangang dumaan sa theoretical at practical driving examination. Ang modus na ito ay mas kilala bilang ‘no-show processing.’

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Binigyang diin ng ahensiya na tanging ang mga tauhan nito ang maaaring mag-isyu ng driver’s license. Ang mga lisensiyang nakuha sa labas ng lehitimong sangay ng LTO ay itinuturing nitong peke at ilegal.

        At sino mang indibidwal na makikitaang gumagamit ng pekeng lisensiya ay maaaring patawan ng mabigat na parusa.

        Kaya ang mahigpit na tagubilin ng LTO: huwag basta-bastang magbibigay ng personal at pribadong detalye sa mga hindi awtorisadong indibidwal o nagpapanggap na bahagi ng sangay ng pamahalaan sa pamamagitan ng online transaction.

        Umapela rin ang LTO sa publiko na i-mass report sa ahensiya ang anumang impormasyon hinggil sa ilegal na Facebook page ng sinasabing LTO Assistance Center.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Leandre Grecia

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱