Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Nag-aalok ng pekeng driver’s license online, buking ng LTO

        Crime does not pay
        by Aris Ilagan Sep 2, 2021
        PHOTO: Leandre Grecia

        Dati rati’y kailangan mong personal na magtungo sa Recto o Avenida sa Quiapo kung nais mong makakuha ng pekeng driver’s license na may pinekeng logo ng Land Transportation Office (LTO). Subalit nitong mga nakaraang panahon, tila naging lantaran na rin ang pag-aalok ng bogus na lisensiya sa social media.

        Ito ang dahilan kung bakit muling pinagigting ng LTO ang crackdown laban sa mga pekeng driver’s license provider na naglipana online. At nito lang August 31, isa na namang Facebook account ang nabisto ng ahensiya na umano’y sangkot sa iligal na aktibidad.

        “Mariing pinabubulaanan ng opisina ng LTO ang kaugnayan nito sa Facebook account ni Jayjay Xtraspicy na nag-aalok ng pekeng driver’s license sa mga aplikante online. Lubos naman ang pagpapaalala ng opisina sa publiko na iwasan ang ganitong uri ng aktibidad dahil bukod sa iligal ay hindi lehitimo ang mga nasabing transaksyon,” pahayag ng LTO sa official Facebook page nito.

        Continue reading below ↓

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sa aming isinagawang background check, may pagkakataon ding ginamit ng may-ari ng naturang account ang official seal ng LTO bilang cover photo na posibleng pamamaraan niya para makaakit ng mga mabibiktima.

        Nakasaad din sa kanyang bio na siya ay isang kawani ng LTO sa Olongapo City. At bago pa man mabuking ang kanyang iligal na raket, inuulan na ng batikos ang umano’y fixer sa comments section subalit hindi pa rin ito natinag sa kanyang modus.

        Continue reading below ↓

        Bigo naman ang LTO na banggitin kung sinampahan ng kaso ang naturang fixer dahil sa pamemeke ng lisensiya.

        Kaya mag-ingat mga parekoy, para iwas-sakit ng ulo.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Leandre Grecia

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱