Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        MDPPA, pinangunahan ang online road safety seminar for kids

        Para makaiwas sila sa sakuna
        by Aris Ilagan Apr 19, 2021
        PHOTO: MDPPA

        Ano kaya ang nangyari sa mga panukalang batas na inihain sa Kongreso para sa pagsasama ng educational modules on road safety para sa elementary students? Ilang taon ang nakararaan at tila wala pa rin naipapasa sa mga ito.

        Mabuti na lang at may ilang pribadong grupo na may malasakit at gumagawa ng paraan upang maibahagi sa mga grade school at high school student ang kahalagahan ng road safety dahil sa patuloy na pagtaas ng aksidente kung saan ang marami sa mga biktima ay mga kabataan.

        MDPPA Road Safety Seminar for Kids

        Continue reading below ↓

        Isa na rito ang Motorcycle Development Program Participants Association o MDPPA. Binubuo ng apat na malalaking Japanese motorcycle manufacturers kabilang ang Honda, Kawasaki, Suzuki, at Yamaha, pinangunahan ng MDPPA ang Road Seminar for Kids na isinagawa online noong ika-17 ng Abril.

        Mahigit sa 40 kabataan ang nakibahagi sa seminar kung saan nagbigay si ‘Teacher Regie’ ng safety tips habang sila’y nasa sasakyan, namamasyal, o naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa kanilang bahay, playground, o eskuwelahan.

        Common Riding Violations - Overloading

        Continue reading below ↓

        Bukod sa pagtalakay sa traffic lights at pedestrian lanes, kasama rin sa lecture ang kahalagahan ng pagiging aware ng mga kabataan sa kanilang kapaligiran tuwing sila’y bumibiyahe, tatawid sa intersection, o naglalakad sa bangketa.

        Kabilang dito ang pagsusuot ng bright-colored outfit upang sila’y madaling makita ng mga motorista. Hindi rin maitatanggi na ilang magulang, na nanuod sa online seminar upang alalayan ang kanilang anak, ay may napulot ding aral sa lecture ni Teacher Regie base sa aming napagmasdan sa kanilang mga reaksiyon.

        Tinalakay din ang tama at ligtas na pag-angkas sa motorsiklo, at ang paggamit ng helmet tuwing bibiyahe sakay ng two-wheelers. Nakakaaliw din ang makulay na graphics na inihanda ng lecturer para maging mas kaakit-akit sa mga estudyante.

        Road Safety Reminders When Riding a Motorcycle

        Continue reading below ↓

        Kung napanood niyo ang lecture, marahil ay maaalala niyo ang educational show na Batibot noong mga nakaraang dekada. Ang malaking pagkakaiba: interactive na ngayon ang mga teaching module sa internet para sa kasalukuyang henerasyon.

        Maaari nang tanungin ng guro ang mga estudyante at agad may maririnig na sagot mula sa mga ito. Naghanda rin ng exciting prizes ang MDPPA para sa hanay ng ‘Kiddie Squad’ na mabilis na nakasagot sa mga interesting question ni Teacher Regie.

        Saludo kami sa MDPPA. Sa uulitin po!

        Road Signs

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: MDPPA

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱