Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        MMDA chairman: Number coding scheme suspendido pa rin

        Kulang pa rin ang pampublikong sasakyan
        by Aris Ilagan Jul 15, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Pinanindigan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang desisyon nitong panatiliing suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), na mas kilala bilang ‘number coding’ scheme.

        Ito ay base sa obserbasyon ng MMDA na bahagyang umaayos na ang daloy ng trapiko sa EDSA nitong mga nakaraang araw.

        Dahil dito, sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na wala pa siyang nakikitang dahilan upang ibalik ang number coding policy dahil patuloy ang kanilang pagpapatupad ng mga reporma upang maisaayos ang trapik, lalo na sa EDSA.

        Isa pang rason ng MMDA ay ang kakulangan pa rin sa mga pampublikong sasakyan bunsod ng ipinatutupad na 50% passenger capacity bilang bahagi ng health protocols ng pamahalaan. Aniya, marami pa ring mga commuter ang nahihirapan makahanap ng masasakyan, partikular tuwing rush hour.

        “If we implement the number coding scheme now, can our public transport accommodate passengers given the minimum health protocols such as social distancing that are needed to be implemented?” tanong ni Abalos.

        Continue reading below ↓

        Posible rin aniya na mag-carpooling ang mga motorista kapag ibinalik ang number coding scheme kung saan malalagay sa peligro ang kanilang kalusugan. “Our cars are our personal bubble when we travel,” dagdag ni Abalos.

        Samantala, inisa-isa ni Abalos ang mga hakbang na ipinatupad kamakailan ng MMDA na naging malaking tulong sa pagsasaayos ng daloy ng mga sasakyan sa EDSA:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        • Pagbubukas ng bagong busway sa innermost lane malapit sa MRT Line 3
        • Pagbubukas ng mga U-turn slot sa EDSA
        •  Pagbubukas ng mga bagong kinumpuning kalsada
        • At pagsasaayos ng Mabuhay Lane upang magamit ng mga motorista bilang alternatibong ruta sa EDSA

        “Before the pandemic, the vehicle volume on EDSA was averaging 405,000. But now it is about 399,000. However, southbound travel speed is faster now at 27kph, compared to 11kph before the pandemic,” giit ng MMDA official.

        Pabor ba kayo na suspendido pa rin ang number coding scheme?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱