Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        ‘No RFID, no entry’ policy, ipatutupad sa Skyway Stage 3

        Big bikers, heads up!
        by Aris Ilagan Jul 7, 2021
        PHOTO: Paul del Rosario

        Inihayag ng San Miguel Corporation (SMC) na simula July 12, 2021, hindi na papayagan ang mga truck na dumaan sa 18km Skyway Stage 3, at ang maaari lamang gumamit ng elevated expressway ay ang mga Class 1 vehicle na mayroong Autosweep RFID.

        Ayon kay SMC president Ramon Ang, ang mga hakbang na ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista. Bukod dito, nais nilang pangalagaan din ang kanilang kalusugan laban sa pagkalat ng COVID-19 virus sa pamamagitan ng paggamit ng automated toll collection (ATC) system.

        Kahapon, inihayag ng Skyway O&M Corporation, operator ng Skyway system, na magsisimula na itong maningil ng toll fee sa July 12 matapos sila maisyuhan ng Toll Operating Permit at Notice To Start Collecting Toll mula sa Toll Regulatory Board (TRB).

        Batay sa pagtaya ng SMC, aabot sa P3 bilyon ang nawala sa kaban ng kumpanya matapos nitong buksan ang Skyway Stage 3 noong Disyembre ng nakaraang taon na walang singil sa mga motorista.

        Continue reading below ↓

        “We continue to look for ways to improve safety and user experience on our expressways, especially the new Skyway 3. We have implemented a number of measures to ensure safety, prevent over-speeding, and facilitate the more efficient flow of vehicles while still providing motorists significantly reduced travel times,” pahayag ni Ang.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kabilang sa Class 1 vehicle category ay ang mga kotse, jeepney, pickup, at van na may dalawang axle at overall height na hindi lalagpas sa seven feet. Kabilang din sa kategoryang ito ang mga motorsiklo na may engine displacement na 400cc at mas mataas.

        Hinikayat ng pamunuan ng SMC ang mga may ari ng sasakyan na gumamit ng Autosweep RFID sticker upang maging mas mabilis, maayos at ligtas ang kanilang biyahe.
        Narito ang kumpletong listahan ng Autosweep sticker installation sites sa Skyway at NAIAX:

        • Skyway Extension (northbound ramp – Soldier’s Hills)
        • Dr. A Santos (northbound)
        • Dona Soledad (northbound)
        • Runway (northbound-for loading only)
        • Buendia (northbound)
        • Nagtahan (northbound)
        • G. Araneta (northbound)
        • Quezon Avenue
        • NAIAX Skyway (entry plaza NAIAX Alpha)
        • NAIAX Road A (northbound - entry NAIAX Foxtrot)
        • NAIAX Road B (northbound - entry NAIAX Golf)
        • NAIAX Airport Road (northbound- entry NAIAX Echo)
        • NAIAX Main Toll Plaza A (northbound -NAIAX Delta)
        • Skyway Main Alpha (northbound)
        • Del Monte Plaza A (southbound)
        • Del Monte Plaza B (southbound)
        • Quezon Ave. (southbound)
        • Plaza Dilao (southbound)
        • NAIAX Skyway exit plaza (Nancy Bravo)
        • NAIAX Main Toll Plaza B (southbound- Nancy Charlie)
        • Dona Soledad (southbound)
        • Dr. A Santos (southbound)
        • Alabang-Zapote (southbound - no RFID, no entry)
        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Paul del Rosario

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱