Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        PH Looper Jemelie Torres, naaksidente sa kalagitnaan ng night ride

        Mga kapwa rider, mag-ingat palagi!
        by Aris Ilagan May 19, 2021
        PHOTO: Jemelie Torres

        Sino ang mag-aakala na ang isang experienced rider tulad Jemelie Torres ay nasasangkot din sa aksidente? Ito’y sa kabila ng kanyang pagiging four-time finisher ng Philippine Loop.

        Sa Hulyo 2021, target ni Torres na simulan ang kanyang ika-limang Philippine Loop journey. At nitong mga nakaraang araw, inumpisahan na niya ang mga tune-up ride sa malalayong lugar na karaniwang ginagawa tuwing gabi at inaabot ng madaling araw.

        riding destination

        Continue reading below ↓

        Noong Mayo 13, 2021, dakong 8:30pm, sinapit ni Torres ang kinatatakutan ng lahat ng rider—ang maaksidente sa daan. Tinatahak ni Torres ang kahabaan ng Bulacan-Cagayan Valley Road sa San Ildefonso, Bulacan, nang masagi ang kanyang Honda ADV 150 ng isang truck, dahilan upang sumadsad ang scooter habang siya ay tumilapon sa gilid ng kalsada.

        “Nakakatakot po talaga,” pahayag ni Torres, habang iniinda ang sakit sa pamamaga ng binti at braso bunga ng pagkakasemplang. “Akala ko po mapapailalim ako sa truck. Mabuti na lang hindi umabot dun.”

        sumadsad na scooter

        Continue reading below ↓

        Bagamat may suot na helmet, kulang sa elbow at knee pads ang kanyang suot na jersey at pantalon kaya nabugbog ang kanyang mga binti at braso. Sa kabila nito, nagpasiya si Torres na hindi na magpa-checkup sa ospital sa takot mahawahan ng COVID-19.

        Ayon kay Torres, pa-overtake sana ang truck sa kanya nang biglang kumabig ito sa kanyang direksiyon para umiwas sa isang paparating na sasakyan sa kabilang lane, dahilan upang mahagip ang kanyang scooter bago sumadsad sa kalsada.

        Tadtad ng gasgas ang fairing, putol ang crash bar, at natanggal ang auxilliary lights ng kanyang ADV 150. Subalit ang mahalaga sa lahat, ligtas pa rin sa kapahamakan ang iconic Philippine Looper.

        gasgas na fairing ng Honda ADV 150

        Continue reading below ↓

        Bagamat kumikirot na ang kanyang binti, braso, at katawan bunsod ng pagkakasemplang, naigapang pa rin ni Torres ang kanyang Honda ADV 150 sa kanyang destinasyon sa San Jose, Nueva Ecija upang tagpuin ang kanyang mga kaibigan. Base sa kanyang kuwento, hindi siya tinulungan ng truck driver at pahinante nito matapos makita siyang tumayo at maglakad upang pulutin ang nagkalat na gamit mula sa tumumbang scooter.

        Ito ang pangalawang pagkakataon na minalas si Torres dahil sa truck. Noong Mayo 2016, sinalpok din ang kanyang scooter ng isang truck sa Bulacan area kung saan nabali ang buto sa kanyang kanang binti. Inoperahan siya upang malagyan ng titanium support ang kanyang femur.

        Ano ang aral na napupulot ni Torres tuwing sumesemplang? “Huwag maging kampante at palaging alerto sa galaw ng mga sasakyan sa paligid, maging mapagmasid sa madudulas na bahagi ng kalsada, at hinay-hinay lang sa bilis ng takbo ng motorsiklo,” payo ni Torres.

        Noted. Get well soon, sis!

        Continue reading below ↓

        Jemelie Torres

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Jemelie Torres

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱