Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        PMVIC owners: Bawal sa empleyado namin ang magbenta ng insurance

        Para mas klaro
        by Aris Ilagan Aug 16, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Upang maiwasan ang kalituhan sa proseso ng pagre-renew ng vehicle registration, naglabas ng isang kalatas ang mga may-ari ng private motor vehicle inspection centers (PMVIC) na nagsasabing hindi nila mandato ang magbenta ng insurance policy sa mga motorista.

        Ito ay matapos pumalag ang ilang motorista sa mga umano’y empleyado ng mga PMVIC na nagbibigay ng referral sa mga ahente ng insurance company na nakapuwesto sa paligid ng kanilang pasildad kung saan nagpapa-renew ng rehistro ng sasakyan.

        Ito rin umano ang dahilan kung bakit tumataas ang bayarin ng mga motorista para sa Comprehensive Third Party Liability (CTPL) Insurance Certificate of Cover na ipinakikita sa Land Transportation Office (LTO) bago payagang mai-rehistro ang kanilang sasakyan.

        Kumikita umano ang mga empleyado  ng PMVIC sa pamamagitan ng komisyon na kanilang natatanggap sa pagre-refer ng motorista sa insurance agents. Subalit ito ay mariing pinabulaanan ng Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (VICOAP).

        Continue reading below ↓

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        “Sinusuportahan ng PMVIC operators ang mga maliliit na lisensiyadong ahente ng insurance industry. Nirerespeto namin ang kanilang karapatang maghanapbuhay sa industriyang ito,” saad ng VICOAP na ipinost nito sa Facebook.

        “Kaya nga ba, sinisiguro namin na ipinagbabawal sa lahat ng mga empleyado ng PMVIC ang pagbebenta ng insurance,” giit ng grupo.

        Continue reading below ↓

        Nilabas ng VICOAP ang paglilinaw mahigit isang linggo matapos aprubahan ni LTO chief Edgar Galvante ang pagsasagawa ng mandatory roadworthiness test sa mga lugar kung saan operational na ang 49 na PMVIC.

        Kasabay nito, naglabas din ng listahan ang ahensiya kung saan tinukoy ang Geographical Areas of Responsibility (GAOR) o lugar ng saklaw ng bawat PMVIC.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱