Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        PNP chief, kumambiyo sa ban sa non-APOR na maghahatid-sundo sa ECQ areas

        “Dagdag problema sila sa trapik sa checkpoints”
        by Aris Ilagan Aug 5, 2021
        PHOTO: Tongki Ilagan

        Binawi ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang kanyang kautusan na nagbabawal sa mga motorista na maghatid o sumundo ng pasahero kapag hindi kabilang sa authorized persons outside of residence (APOR) ang driver ng sasakyan sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

        “I-a-allow na ang mga non-APOR na magmaneho, maghatid-sundo hindi lamang sa health workers kung hindi pati na rin po sa iba pa na APOR workers,” pahayag ni Eleazar sa panayam sa radio station DZBB. Ang pagbawi sa unang direktiba ay bunsod ng kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases matapos ulanin ng batikos ang isyu sa mga netizen.

        Sa kabila ng pagbawi sa kanyang unang direktiba, naglatag ng bagong requirements si Eleazar para sa mga non-APOR driver: sertipikasyon mula sa employer ng worker-APOR kung saan nakasaad ang pangalan niya, kumpanya, at ng non-APOR driver.

        Kailangan ding nakasaad sa dokumento ang contact number ng employer at worker-APOR; at modelo, kulay, at plate number ng sasakyan (vehicle details) na kanilang gagamitin.

        Continue reading below ↓

        Kahapon, sinabi ni Eleazar na simulang maghihigpit ang mga ang mga police checkpoint  simula 12:01 ng umaga kinabukasan at hindi nila papayagan ang mga non-APOR driver na maghatid-sundo ng pasaherong APOR sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Aniya, ito ay matapos abusuhin ng ilang motorista ang naturang prebilehiyo na nagdagdag sa problema sa traffic sa mga checkpoint nang unang ipinatupad ang ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar noong Marso 2020.

        Ano na? Na-stress na ba kayo?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Tongki Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱