Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        PNP chief: Border checkpoints sa Metro Manila, bubuwagin na

        Good news para sa riders
        by Aris Ilagan Sep 15, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na bubuwagin na ang border checkpoints sa Metro Manila sa pagpapatupad ng bagong quarantine system simula bukas.


        Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Eleazar na handa na rin ang pulisya sa pagpapatupad ng alert level-based quarantine policy kung saan ang Metro Manila ang itinalagang pilot area nito.


        “Wala na tayong checkpoint border operations (sa Metro Manila) dahil sa nakita o narinig natin na uniform naman itong Alert Level 4,” giit ng opisyal. “In fact, ang ating babantayan ngayon ay mga lugar na ilalagay sa granular lockdown,” dagdag niya.

        Simula September 16, 2021, ipapatupad ng pamahalaan ang Alert Level 4 kung saan hindi papayagan ang mga residente ng mga lugar na isinailalim dito na makalabas ng kanilang bahay, maliban lang kung bibili ng basic goods o magtutungo sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan.

        Base sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, hindi naman papayagang makalabas ng kanilang bahay ang:

        Continue reading below ↓
        • mga indibidwal na may edad 18 anyos at pababa;
        • may mga immunodeficiencies, comorbidities, at iba pang may sensitibong kondisyon ang kalusugan, at;
        • mga pregnant women.

        Matatandaang paulit-ulit na rin na reklamo ng ilang riders ang umano’y hindi patas na pagtrato sa kanila ng mga pulis, kung saan mas madalas pinapara ang mga two-wheeler kumpara sa mga kotse at iba pang sasakyan. Ito rin umano ang dahilan kaya madalas silang ma-late sa destinasyon.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Anila, kapansin-pansin din ang pagbusisi ng mga awtoridad sa motorcycle registration papers at driver’s license tuwing sila’y daraan sa checkpoint na bihirang ginagawa sa mga nakasakay sa four-wheelers.

        Riders, anong say niyo?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱