Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        It’s official: Provisional toll fees ng Skyway 3, aprubado na ng TRB

        May proseso pa bago mag-umpisa ang toll fee collection
        by Aris Ilagan Mar 26, 2021
        PHOTO: dmitrivalencia

        Matapos ang ilang araw ng spekulasyon, pormal nang inanunsiyo ng SMC Tollways ang provisional toll fee matrix na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) kahapon, ika-25 ng Marso, para sa mga sasakyan na dadaan sa Metro Manila Skyway Stage 3.

        Inaprubahan ng TRB ang provisional toll fee isang araw matapos ihayag ni SMC president Ramon Ang na halos kumpleto na ang pagkukumpuni ng northbound ramp ng Skyway Stage 3 sa Alabang at maaari na itong gamitin ng mga motorista sa mga susunod na araw.

        Ang provisional toll fee rates para sa Skyway Stage 3 ay ang sumusunod:

        Skyway Stage 3 provisional toll fees

        Class 1 Class 2 Class 3
        Buendia to Santa Mesa (Phase 1) P105 P210 P315
        Santa Mesa to Ramon Magsaysay P30 P60 P90
        Ramon Magsaysay to NLEX Balintawak (Phase 2) P129 P258 P387
        Buendia to NLEX Balintawak P264 P528 P792

        1) Class 1 vehicles:

        (Mga sasakyan na may dalawang axle at overall height hanggang 7.5 feet kasama ang trailer: kotse, jeepney, van, pickup truck, at motorsiklo na may engine displacement mula 400cc pataas)

        2) Class 2 vehicles: Times 2

        (Mga sasakyan na may dalawang axle at overall height na higit sa 7.5 feet: bus, truck at Class 1 vehicle na may trailer)

        Continue reading below ↓

        3) Class 3 vehicle: Times 3

        (Mga sasakyan na may tatlo o higit pang axle at overall height na higit sa 7.5 feet: large truck at large truck na may trailer)

        Ipinaliwanag din ng kumpanya na hindi awtomatikong ipatutupad ang toll collection kahit hindi pa aprubado na ng TRB ang provisional toll fee matrix dahil kailangan munang ilathala ito sa mga pahayagan isang beses sa tatlong magkakasunod na linggo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kailangan ding maghain ng bond ang petitioner na dudulog sa korte hinggil sa ipatutupad na toll rates.

        Obligado ring tumupad ang Skyway management sa Supplemental Toll Operation Agreement para ito pagkalooban ng TRB ng authority to collect na mas kilala bilang Toll Operating Permit.

        See Also

        PHOTO: dmitrivalencia

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱