Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        MMDA chief: 10-hour curfew ipatutupad sa NCR, quarantine pass depende sa LGU

        Unanimous vote mula sa Metro Manila mayors
        by Aris Ilagan Aug 2, 2021
        PHOTO: Jerome Ascano

        Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na kasado na ang 10-hour curfew sa buong Metro Manila kasabay ng paglalagay ng rehiyon sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.

        Ayon sa opisyal, napatunayan nang epektibo ang curfew policy nang unang ipatupad ang lockdown noong Marso 2020 dahil sa biglang pagdami ng COVID-19 cases sa NCR.

        Subalit iginiit ni Abalos depende pa rin sa magiging desisyon ng local government units (LGU) kung ibabalik ang quarantine pass system, partikular ang pamamahagi ng mga bagong ID o ipagagamit pa rin ang lumang pass sa mga residente. Tiniyak naman ng opisyal na tuloy na ang pagpapatupad ng 10-hour curfew matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC) kung saan unanimous vote ang resulta ng kanilang botohan.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Noong unang ECQ, isa lang sa bawat pamilya ang binigyan ng quarantine pass ng kani-kanilang barangay para makalabas ng bahay tuwing bibili ng pagkain, gamot, at iba pang essential items o kaya’y may emergency.

        Samantala, sinabi ni Abalos na simulang ipatutupad ang 10-hour curfew sa Biyernes sa 16 na siyudad at isang munisipalidad sa Metro Manila mula 8 p.m. hanggang 4 a.m., o mas mahaba ng dalawang oras mula sa dating curfew policy.

        Aniya, nagkasundo sila na agad na ipatupad ang mas mahabang curfew upang mapigil ang mabilis na pagkalat ng COVID-19, partikular ang Delta variant. “Yun na lang po muna gagawin namin ngayon because mabilisan po ito,” aniya.

        Iginiit din ng MMDA chairman na hindi na nila kailangang hintayin ng go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases upang maipatupad ang mga naturang polisiya sa ilalim ng ECQ dahil ang mga ito ay saklaw ng kapangyarihan ng mga LGU.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Jerome Ascano

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱