Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Senator Ralph Recto sa mandatory PMVIC testing: Teka muna!

        “Mayroon basbas ba ito ng Malacañang?”
        by Aris Ilagan Jul 22, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Hinamon ni Senator Ralph Recto ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na ipaliwanag sa mga motorista ang naging basehan ng mga ito para gawing mandatory ang roadworthiness tests sa ilang private motor vehicle inspection centers (PMVIC).

        Ayon sa senador, mistulang hinukay sa pagkakalibing ang PMVIC issue dahil una nang sinuspinde ng Malacañang ang implementasyon nito bunsod ng reklamo ng mga motorista na ito umano’y depektibo at hindi idinaan sa konsultasyon sa iba’t ibang sektor.

        It has been put into a coma upon orders of Malacañang. Now it appears that it has mutated into something else,” pahayag ng mambabatas.

        Nais ni Recto na ipaliwanag ng pamahalaan sa mga may-ari ng sasakyan ang nilalaman ng bagong polisiya na ito ng LTO matapos ideklara ng ahensiya na gagawing mandatory ang vehicle roadworthiness test sa mga lugar kung saan mayroon nang operational na PMVIC.

        Noong Hulyo 5, 2021, nilagdaan ni Artemio Tuazon, head ng DOTr steering committee on PMVICs, ang Memorandum Circular MC-2021-02 hinggil sa pagtukoy ng Geographical Areas of Responsibility (GOAR) ng bawat PMVIC para sa renewal ng LTO registration ng mga kotse at motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        Dahil dito, magiging requirement na ang 70-point vehicle safety test sa mga lugar kung saan mayroong PMVIC para sa mga light vehicles at motorsiklo habang ang mga truck at bus ay maaari pa ring maisalang sa private emission testing centers (PETC) sa bisinidad.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        “Ang pakiusap lang po natin sa ating mga kaibigan sa LTO at DOTr ay ipaliwanag ang pangangailangan nito at ipakita ang legal na batayan kung bakit binuhay nila ang ganitong programa,” giit ni Recto.

        Nais ding malaman ng mambabatas kung may basbas ng Office of the President ang pagbuhay sa PMVIC scheme dahil ito rin, aniya, ang nagsuspinde sa implementasyon nito ilang buwan na ang nakararaan.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱