Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ramon Ang: May PAREX o wala, tuloy ang Pasig River rehabilitation

        Para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila
        by Aris Ilagan Oct 8, 2021
        PHOTO: San Miguel Corporation

        Tiniyak ng San Miguel Corporation (SMC) na hindi makakaapekto ang mga isyu na bumabalot sa Pasig River Expressway (PAREX) sa isinusulong nitong P2-billion Pasig River cleanup operations.


        Ayon sa SMC, aabot na sa 54,000 metriko toneladang silt at solid waste ang naiahon sa ilog gamit ang dredging na may layuning mapalalim ang major waterway at maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan nito.


        Sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), isinasagawa na rin ng kumpanya ang P1-billion initiative sa Tullahan River system kung saan umabot na sa 463,000 metriko toneladang putik at basura ang nahakot. Puntirya ng SMC sa proyektong ito na maiwasan ang pagbaha sa lugar ng Malabon, Navotas at Valenzuela.

        Ang Tullahan River ay kabilang sa pitong daluyang ng tubig sa Pilipinas na kasama sa listahan ng Top Plastic-Emitting Rivers in the World, kung saan nangunguna ang Pasig River.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Isinusulong din ng SMC ang river channel enhancement program para sa mga daluyan ng tubig na sakop ng Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) sa Bulacan.


        With or without the PAREX project, we will continue to clean the Pasiars now. We have also been helping clean up rivers and bodies of water in our communities before, but since early 2020, we’ve been taking more direct action, starting with the Tullahan River, to help address flooding and to support the government’s Manila Bay rehabilitation program,” pahayag ni SMC president Ramon Ang.

        Plano rin ng kumpanya ma magsagawa ng solid waste extraction sa mababaw na bahagi ng Pasig River sa C-5 area malapit sa Marikina River junction, at sa bukana ng Manila Bay at sa Makati-Estrella area.

        Sa ngayon, layunin ng SMC na maiahon mula sa ilog ang tatlong milyon na metriko toneladang solid waste. Ang monthly target ng kumpanya ay nasa 50,000 metriko toneladang putik ang mahukay sa susunod na limang taon, kaya inaasahang magdaragdag pa ito ng tauhan at dredging equipment.

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: San Miguel Corporation

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱