Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ramon Ang sa RFID issue: Lahat tayo ay nabulaga sa sitwasyong ito

        Ipinaliwanag ng presidente ng San Miguel ang nangyari sa Autosweep
        by Aris Ilagan Dec 12, 2020
        PHOTO: Aris Ilagan

        Hindi na napigilan ni Ramon Ang, pinuno ng San Miguel Corporation (SMC) na ilabas ang kanyang saloobin hinggil sa kontrobersiya sa RFID issue.

        Bagamat mas inuulan ng batikos ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) dahil sa mga aberya na nararanasan ng mga motorist na gumagamit ng Easytrip RFID system, hindi na rin natiis ni RSA na magsalita upang ipaliwanag ang tunay na layunin ng ipinatutupad na 100% cashless transaction sa dalawang pasilidad.

        “I heard the many concerns and issues voiced by many of you with regards to the implementation of the 100% cashless system at our tollways. I would like to thank you for the feedback. Please know that your experiences have informed and influenced many of the measures we’ve put in place to cope with this necessary measure,” pahayag ni Ang.

        Iginiit ni Ang na hindi lang ang kikitain ng kumpanya ang pangunahing pakay ng SMC sa pagpapatupad ng cashless transaction. Sa katotohanan, aniya, ay abonado pa ang kumpanya sa pagpapatupad ng modernong sistema upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa hanay ng mga motorista at kanilang tauhan sa mga toll plaza.

        Continue reading below ↓

        “It is not a means to extract more revenue from motorists. In fact, the additional expenditures being made for the unplanned implementation of 100% electronic toll collection—including additional manpower, new machines to upgrade all lanes at toll plazas, as well as the sourcing of cards and stickers to be given for free to millions of motorists (many of whom are non-regular users) will not be passed on in the form of higher toll fees,” dagdag ni RSA.

        Aminado rin ang SMC boss na tulad ng nakararami, hindi rin sila handa sa cashless transaction na minadaling ipatupad ng ilang buwan. Limang taon na, aniya, na ipinatutupad ng SMC tollways ang RFID system ngunit nito lang mga nakalipas na buwan na biglang dumagsa ang mga subscriber bunsod na rin ng mga health protocol na ipinatutupad ng gobyerno.

        Sa unang pagkataon, inako rin ni Ang ang responsibilidad sa kakulangan sa Autosweep RFID sticker na nagmumula pa sa ibang bansa. Bukod dito, nagdagdag din ang SMC tollways management ng mahigit sa 100 installation sites upang mapabilis ang pamamahagi ng electronic stickers.

        Continue reading below ↓

        Sa kabila nito, tiniyak ni Ang na patuloy ang pagsasaayos ng cashless transaction system at halos 98% na itong naipatutupad ng kanilang kumpanya. Tiniyak din niya na tuloy pa rin ang pagkakabit ng Autosweep RFID stickers sa kabila ng itinakdang deadline ng gobyerno sa paggamit nito noong Disyembre 2, 2020.

        See Also

         

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱